Ang hindi makataong pag-uugali ng television personality ang dahilan kaya mabilis siyang magpalit ng personal assistant.
Pinipili na lang magbitiw at mawalan ng trabaho ang mga personal assistant kesa magtagal sa paglilingkod sa TV personality.
Read: Comedian nanliit matapos magpa-selfie sa member ng sikat na grupo
Ikinuwento ng mga dating personal assistant ng TV personality na madalas silang nalilipasan ng gutom dahil hindi sila puwedeng kumain hangga’t hindi kumakain ang kanilang amo.
May mga pagkakataon din daw na hindi sila nakakakain kapag hindi kumakain ang TV personality.
May ugali rin daw itong kinakaltas mula sa suweldo ng kanyang personal assistant ang mga gamit na nawawala, kahit walang kasalanan ang mga pinagbibintangan niya.
Read: TV personality, spotted kasama ang maimpluwensiyang tao
Maraming beses nang nagpalit ng personal assistant ang TV personality.
Iisa ang reklamo ng mga ito laban sa kanya: ang hindi makataong trato sa mga tauhan niya.
MASYADONG MATAAS ANG TINGIN SA SARILI
Hindi lamang ang mga dating empleyado ng TV personality ang nagrereklamo dahil hindi rin nagugustuhan ng mga nakakahalubilo niya ang kanyang inaasal.
Para sa iba, condescending ang ugali ng TV personality na tila masyadong mataas ang tingin sa sarili at nakahihigit sa lahat ang kanyang katalinuhan.
Sa tuwing napapanood sa telebisyon ang TV personality, hindi ito nagpapakita ng simpatiya sa kanyang mga nakakausap.
Ipinararamdam niyang siya lamang ang magaling at nakakaalam sa lahat ng mga isyung tinatalakay nila.
Read: Showbiz personality, di pa rin makapag-move on sa hiwalayan