Sina Jenn Rosa at Vern Kaye ang lead stars ng Boss Ma’am, ang VMX movie na mula sa direksiyon ni Iar Arondaing.
Tungkol sa relasyon ng mahigpit na lady boss at ng empleyado niyang babae ang kuwento ng Boss Ma’am. Kinunan ang lahat ng mga eksena ng pelikula sa isang opisina sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Read: Jenn Rosa, nagsisisi sa pagpapa-tattoo ng mukha at pangalan ng ex
Si Direk Iar ang nagkuwentong pamilyar sa marami ang office building na ginamit sa mga eksena ng Boss Ma’am dahil dito rin kinunan ang mga eksena ng Can’t Buy Me Love, ang drama series na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
“Kung pamilyar kayo sa Can’t Buy Me Love location, yun ang location namin,” sabi ng direktor.
“Pinili namin ang BGC pero maraming pinagdaanan ang pagpili namin ng location. Siguro dahil visual ako pagdating sa mga bagay-bagay.
“Every ocular namin, kapag hindi ko na-visualize yung mga eksena, hindi ko pinipili.
"Parang magsu-shoot na kami kinabukasan, nag-change pa kami ng location dahil hindi ako ganoon ka-happy sa unang pinili namin.”
Read: VMX star Sahara Bernales, proud sa amang dating trans woman

SHOOTING INTIMATE SCENES IN AN OFFICE
Malaking hamon para kay Direk Iar ang mag-shooting sa loob ng isang opisina.
May hindi siya makalilimutang anekdota tungkol sa mga intimate scene nina Jenn at Vern.
Lahad ni Direk Iar: “Very smooth ang shooting ng Boss Ma’am dahil nangyari lahat sa isang opisina ang mga eksena.
“Ang challenge is papaano siya magiging interesting sa audience. Nakakita na sila ng opisina, pantry, conference room, so parang binabawi namin sa storytelling, sa treatment, pati sa shots.
“Pero hindi maiiwasang may nag-oopisina talaga so nasa office kami ng boss tapos nasa labas yung opisina ng mga totoong empleyado.
“Sabi ko, 'Puwede ba nating palabasin yung mga tao?' Hindi raw puwede dahil working hours nila.
“Sabi ko, 'Papaano ito? Maririnig nila yung mga eksena na nag-uungulan.' Para sa akin, gusto ko rin na protektahan sila kasi maselan nga yung mga eksena.
“Ang ginawa na lang namin, ipinaintindi namin sa mga empleyado na ito yung mga eksena na aming isu-shoot. Malakas kasi talaga yung sound [ungol] na kini-create sa loob so kung may marinig man sila, intindihan na lang nila.
“Saka sinabihan sila ng boss nila na, ‘Huwag kayo manonood, puwede kayo makinig.'”
Ayon naman kina Jenn at Vern, matapos kunan ang mga maseselan at umuungol na eksena nila sa Boss Ma’am, nagpakuha agad ng litrato na kasama sila ang mga empleyadong inabangan ang kanilang paglabas mula sa opisina.
Read: VMX director Bobby Bonifacio Jr., related sa dalawang bayani