Malaki ang epekto kina Maris Racal at Anthony Jennings ang mga kumalat na screenshots umano ng palitan nila ng mga kontrobersiyal at incriminating messages na inilabas ni Jamela Villanueva noong Martes ng gabi, Disyembre 3, 2024.
Si Jamela ang ex-girlfriend ni Anthony.
Read: Anthony Jennings confirms breakup with non-showbiz girlfriend
JAMELA VILLANUEVA'S INSTAGRAM POSTS
Ang mga screenshot na inilabas ni Jamela ang pruweba ng diumano’y pagtataksil ng boyfriend habang may relasyon pa sila.
Noong Disyembre 2, ibinalita ni Maris sa kanyang X (dating Twitter) account, “So excited to launch something today and tomorrow” na patungkol sa kanyang bagong hair product endorsement.

Pero natabunan ito ng “launch” ng mga screenshot ng cheating allegations ni Jamela laban sa kanila ni Anthony.
Hindi positibo ang imahe ngayon nina Maris at Anthony sa paningin ng publiko.
Damay ang bagong product endorsement ng aktres na kalulunsad lamang noong Martes, Disyembre 3, 2024, dahil sa mga negatibong komento ng netizens sa Facebook page ng hair product company tungkol sa pagiging third party umano niya sa relasyon nina Anthony at Jamela.
Kasama sina Maris at Anthony sa And The Breadwinner Is..., ang pelikula ni Vice Ganda na opisyal na kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival, at sa upcoming ABS-CBN primetime series na Incognito na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Richard Gutierrez.
May mga naniniwalang makakaapekto sa pelikula ni Vice ang kontrobersiyang kinasasangkutan nina Maris at Anthony kaya mas makabubuting huwag nang isali ang dalawa sa promosyon ng And The Breadwinner Is...
Read: Maris at Anthony, di lang pangdekorasyon sa Vice Ganda movie

Trending sa social media ang pangalan nina Maris at Anthony dahil sa mga "resibo" na inilabas ni Jamela.
Masasakit ang mga salitang ipinupukol kina Maris at Anthony, na nananatiling tahimik tungkol sa mabibigat na paratang sa kanya.
Ginagawa ring katatawanan at pang-iinsulto ang mensahe ni Maris noon para kay Anthony na “I’ll touch myself na lang.”
RICO BLANCO IS ALSO TRENDING
Hindi lamang sina Maris at Anthony ang hot topic sa social media dahil trending din ang kanyang ex-boyfriend na si Rico Blanco, na nakakuha ng maraming simpatiya mula sa netizens.
Noong Hulyo 12, 2024, umiiyak na inanunsiyo ni Maris sa isang media conference na hiwalay na sila ni Rico.
Read: Maris Racal confirms breakup with Rico Blanco

Aniya, “Rico and I, our universe is so beautiful. It was full of love, laughter and music and everything, spontaneity everything.
“Sa five years namin together, we were always on the same page. Always on the same page.
"I don't know what happened to me. Maybe I turned to the next page, saw new perspective sa life.
"I had a vision of who I want to become, how I want to evolve.
“So curious about the world, and the truth is I am going through changes and alam naman natin na changes either good or bad and what I hate about change is it's inevitable.
"Hindi mo siya matatakasan and wala ka nang ibang gagawin kundi to face it and confront it."
Sa mga screenshot ng Instagram post ni Janela noong Disyembre 3, makikitang Hunyo 28, 2024 ang petsa ng isa sa mga palitan ng mensahe sa pagitan nina Anthony at Maris — isang pahiwatig na may kinalaman ang aktor sa pakikipaghiwalay ng aktres kay Rico.
Read: Maris clarifies Anthony not involved in her breakup with Rico