Imbes na magtuldok, nag-iwan ng maraming katanungan ang magkasunod na pahayag nina Maris Racal at Anthony Jennings nitong Biyernes, Disyembre 6, 2024.
Kapwa binasag ng dalawa ang kanilang pananahimik kaugnay ng cheating allegations laban sa kanila.
Nag-ugat ito sa pagpu-post ng ex-girlfriend ni Anthony, si Jamela Villanueva, ng screenshots ng private messages ni Anthony at ni Maris sa isa't isa.
Unang napanood ng publiko ang madamdaming pahayag ni Maris sa pamamagitan ng video na in-upload ng ABS-CBN News sa YouTube bandang tanghali. Tumagal iyon ng 14 minutes and 27 seconds.
Read: Maris Racal breaks silence after revelations of Anthony Jennings' ex-girlfriend
Kinagabihan, napanood naman ang maikling paghingi ng tawad ni Anthony kina Maris at Jamela. Tumagal lamang iyon ng 22 seconds.
Read: Anthony Jennings apologizes to Maris Racal, Jamela Villanueva amid cheating controversy

MARIS RACAL'S APOLOGY, SCRIPTED?
Lumuluhang ikinuwento ni Maris sa video-recorded statement nito ang kanyang panig tungkol sa pinagpipistahang balitang nakipagrelasyon siya kay Anthony kahit girlfriend pa nito si Jamela.
Humingi siya ng kapatawaran sa publiko at sa lahat ng mga nadamay sa kontrobersiyang kinasasangkutan nila ni Anthony.
Kinumpirma niya ang nilalaman ng mga screenshot ng palitan nila ni Anthony ng mga pribadong mensahe na inilabas ni Jamela sa social media noong Disyembre 3.
Read: Anthony, Jamela, Maris: The unfinished tale of a messy breakup
Ngayong Biyernes ng gabi, Disyembre 6, lumabas at umikot sa social media ang behind-the-scenes video and photos ng paghingi ng paumanhin ni Maris.
Makikita ritong may binabasa ang aktres mula sa papel na hawak ng isang babae at nakatutok sa kanya ang mga camera ng ABS-CBN habang ipinapaliwanag ang kanyang panig.
Hindi nakatulong kay Maris ang kumakalat na video at larawan dahil may akusasyon ang ilang netizens na “scripted” ang kanyang pahayag.
Pero maaaring nagiging mapanghusga ang publiko dahil maaaring gumamit si Maris ng user guide o kodigo para malinaw na maihayag nito ang saloobin at para hindi niya malimutan ang kanyang sasabihin.
Isang ABS-CBN insider ang nakausap ng Cabinet Files at kinumpirma niyang lehitimo ang mga video at larawang lumabas.
Sinubukan umano itong ipabura ng mga kinauukulan pero huli na dahil marami na ang nakapag-"screenshot" nito at ginagamit ngayon laban kay Maris.
@bvrlyjvr may script????????? #fyp #fyp? #foryourepage #fypage #marisracal ? original sound - SANGKAY
Pinatotohanan din ng insider na crew member ng network ang nag-upload ng mga larawang kuha mula sa apology video ng embattled actress.
Ang lumabas na larawan ang kumpirmasyong totoo ang hinala ng Cabinet Files na may tinitingnan o binabasa si Maris habang nagsasalita.
Mapapansin sa nauna nang lumabas na video na nakatingin lamang siya sa kanang direksiyon at hindi mismong sa harap ng kamera.
Si Maris lamang ang nagsalita dahil, kung may personalidad na nag-interbyu sa kanya, posibleng mawala ang focus ng singer-actress at hindi maging kumpleto o klaro ang pahayag niya.

Malaki ang epekto ng mga rebelasyon ni Maris kay Anthony dahil ito ang nadiin nang husto.
Pinalalabas ng pahayag na si Anthony ang pasimuno ng lahat at sa kanya nagsisimula at nagtatapos ang magulong breakup.
Pinalitaw ding nambiktima si Anthony sa aktres at sa kanyang dating girlfriend.
May ilang netizens ang nagkomentong ang tunay na intensiyon ng apology video ni Maris ay upang maisalba ang kanyang career at tila, para rito, isinakripisyo si Anthony.
Si Maris ang isa sa promising stars ng ABS-CBN sa kasalukuyan, at patunay nito ang sunud-sunod niyang projects at endorsements.
Magkasama sina Maris at Anthony sa MMFF 2024 movie ni Vice Ganda na And The Breadwinner Is... at sa upcoming action series na Incognito na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla.
Read: Maris-Anthony-Jamela-Rico issue, pinagpipistahan ng netizens
BOY ABUNDA QUESTIONS PART OF MARIS'S STATEMENT
Samantala, may napansin ang King of Talk na si Boy Abunda sa pahayag ni Maris.
Tinalakay niya ito sa kanyang programa sa GMA-7, ang Fast Talk with Boy Abunda, nitong Biyernes ng hapon.
Pahayag ni Boy: “Doon sa iyong statement, okay na sana ako. I really thought it was a heartfelt statement and I felt you. Naramdaman kita.
"This is probably one of your lowest points. Somehow you're a friend and I wish you all the best.
“May isa lang sabit sa akin, may isang butas lang dun sa statement. Nung sinabi mong wala kang kaalam-alam.
"Meron kayong exchange ng text messages ni Anthony na 'delete tayo.' 'Can you delete screenshots and messages?'
"Sagot ni Anthony, 'Alam mo hindi pa naman ako nagde-delete.' This is paraphrasing it. 'Pero gets mo kung bakit kailangan natin mag-delete.'
"And then there was a line in that conversation that said, 'Someday, hindi tayo kinakailangang mag-delete. Hindi tayo kinakailangang magtago.'
“So to say that you didn't have any knowledge that they were still together, medyo kinukuwestiyon ko, as an audience, as a commentator.
"Yun lamang po, but ako'y humahanga dun sa bravery ni Maris."
Read: John Arcilla, Rica Peralejo react to Maris-Anthony controversy