PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV program, bilang na mga araw sa telebisyon

Mga tauhan ng TV program, nalaman ang bad news kung kailan magpa-Pasko.
by Jojo Gabinete
Published Dec 7, 2024
blind item tv show

Mabigat sa loob na tinanggap ng production staff ang malungkot na balitang bilang na ang mga araw sa telebisyon ng kanilang programa.

Nakadagdag sa alalahanin ng mga tauhan ng TV show na nalaman nila ang nakababahalang balita ilang araw bago sumapit ang Pasko.

Kahit papaano, pandagdag sana sa mga bayarin ang kanilang mga kinikita mula sa programang tiyak na ang pamamaalam sa ere.

Read: BLIND ITEM: Bata, bata, sino ang iyong ama?

Ang pababa nang pababang ratings ng programa ang dahilan kaya, mabigat man sa kalooban, nagdesisyon ang network management na isara ito bago pa man lumobo nang husto ang malaking gastos na mahirap nang mabawi.

Kung hindi magkakaroon ng mga pagbabago sa orihinal na plano, hindi na aabot sa dalawang linggo ang taping days ng production staff para sa TV show na mahirap nang isalba dahil hindi na nga tinatangkilik ng manonood.

Sooner or later, malalaman din ng publiko ang pamagat ng programang malapit nang magpahinga dahil hindi na nila ito matutunghayan sa telebisyon sa mga susunod na araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: TV personality, walang tumatagal na personal assistant

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results