PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Martin and Pops to celebrate 40-plus anniversary via concert

Martin at Pops, lilipad sa Chicago para sa first birthday ng kanilang apo.
by Jojo Gabinete
Published Dec 12, 2024
pops fernandez martin nievera concert
Concert King and Queen Martin Nievera and Pops Fernandez will celebrate their 40-plus anniversary as a tandem via pre-Valentine concert titled Always & Forever on February 7, 2025.
PHOTO/S: Instagram

May klarong paliwanag si Pops Fernandez tungkol sa desisyon nila ng kanyang dating asawa na si Martin Nievera na magsama sa Always & Forever.

Ang Always & Forever ang kanilang pre-Valentine show na itatanghal sa MOA Arena sa Pebrero 7, 2025.

Sinabi ni Pops na pareho sila ni Martin na nagdiwang ng "forty-plus years" na anibersaryo ng kanilang showbiz career ngayong 2024, kaya nagpasya silang ipagdiwang ang team nila sa pamamagitan ng isang malaking concert.

Read: Martin Nievera, special guest ni Pops Fernandez sa kanyang Always Loved anniversary concert

“We both celebrated our showbiz anniversaries. I celebrated my 40-plus years this year, February at The Solaire.

"And Martin, of course, celebrated his in Araneta Coliseum, forty-plus years.

“Sabi ko, 'Oh, did you know that our team is also forty-plus years na?'

"So, sabi ko, and this is really the truth, 'Since we can’t really celebrate our wedding anniversary at all, might as well celebrate our team together.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, that’s the reason why Always & Forever is happening,” rebelasyon ni Pops na dahilan para matawa si Martin.

Read: Pops Fernandez recalls healing journey after separation from Martin Nievera

always & forever concert

Malapit sa puso ng mga binansagang Concert King at Concert Queen ng Pilipinas ang pamagat na Always & Forever.

Ito rin ang titulo ng pelikulang pinagbidahan nila at ipinalabas sa mga sinehan noong Hunyo 26, 1986. Mula ito sa direksiyon ng yumao nang direktor na si Danny Zialcita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
always & forever 1986

Nagkaroon din ng record album sina Pops at Martin na Always & Forever ang pamagat.

Humarap sina Pops at Martin sa entertainment press nitong Miyerkules ng hapon, Disyembre 11, 2024, para ibalita ang kanilang nalalapit na concert sa Mall of Asia Arena.

FIRST BIRTHDAY OF MARTIN AND POPS' GRANDSON

Nakatakda silang lumipad sa Chicago, USA, para dumalo sa pagdiriwang ng unang kaarawan sa Disyembre 16 ng apo nila na si Finn.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Finn ay anak ng panganay na anak nina Martin at Pops na si Robin Nievera at partner nitong si Mian Acoba.

Read: Martin Nievera, ikinuwento na nakita na sa wakas ni Pops Fernandez ang kanilang unang apo

“Basta we’re leaving soon to be able to make it, para abot kami ng December 16,” sabi ni Martin.

Pabiro naman ang sagot ng Concert King na “Mahal ang ticket, ha? Okay na yon,” nang tanungin tungkol sa regalo niya para sa kaarawan ng unang apo nila ni Pops.

Dagdag ni Martin: “Pero may theme yung party. Ang kuwento nila sa akin, ako raw ang magbibihis ng Santa Claus.

"Medyo na-hurt ako kasi may daddy naman, si Mian, yung mommy ng baby. Siya ang mas bagay. Mas mataba.

"Pero that’s gonna be one of the highlights of the party, Santa Claus.

“Tapos first Christmas [ni Finn], birthday, and it’s snowing. Exciting. We’re very excited.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaya ni Martin, kakaiba ang excitement na nararamdaman ni Pops para sa kaarawan ni Finn.

Susulitin daw niya ang pagbabakasyon sa Amerika dahil doon na rin siya magdiriwang ng Pasko at Bagong Taaon.

“We’re very excited!" bulalas ng Concert Queen.

"Ako, ang feeling ko, ang bilis ng panahon kasi parang kailan lang, baby pa siya [Finn]. Ngayon, one year old na pala siya.

“And somehow, although they’re very, very far, thank God for technology, we still to manage to get in touch.

"Pero yun na nga, we wanna spend more time with them, more time with Finn especially. Susulitin namin itong trip.”

Ano ang birthday gift mo kay Finn?

“Our presence,” napangiting sagot ni Pops.

“I guess we’ll figure it out when we get there. Pag gift kasi, hindi pa masyadong aware si Finn.

"As a matter of fact, we wanted to plan something else. But, tama, siguro kapag mas aware na siya, nakakaintindi na talaga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But now, it’s just really a matter of celebrating his very first birthday.”

Ngayong Huwebes, Disyembre 12, ay ipinagdiriwang ni Pops ang kanyang ika-58 kaarawan. Pero mas bata ang hitsura niya kesa sa kanyang edad dahil marunong at mahusay siyang mag-alaga sa sarili.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Concert King and Queen Martin Nievera and Pops Fernandez will celebrate their 40-plus anniversary as a tandem via pre-Valentine concert titled Always & Forever on February 7, 2025.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results