PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV5 reporter, pinaalis sa mediacon ng isang MMFF 2024 movie

May isang tao sa mediacon na ayaw umanong makita ang sinumang taga-TV5.
by Jojo Gabinete
Published Dec 13, 2024
tv5 reporter
PHOTO/S: Canva

Imbitado sa nakaraang media conference ng isang pelikulang kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang reporter ng TV5 kaya maaga itong dumating sa pagdarausan ng pagtitipon.

Nakaupo na ang reporter sa mesa nang lapitan siya ng dalawang taong may kinalaman sa magaganap na press conference.

Magalang at punumpuno ng paumanhin na sinabi sa reporter ng mga kinatawan na hindi siya maaaring lumahok sa presscon na idaraos.

Paliwanag nila, may isang taong ayaw umanong makita ang sinuman mula sa TV5, kabilang ang cameramen na kasama ng reporter.

Read: BLIND ITEM: Bata, bata, sino ang iyong ama?

Kahit nagtaka, inunawa ng reporter ang sitwasyon kaya hindi siya nagtanim ng sama ng loob o nagtampo sa mga kinatawan na napag-utusan lamang ng nakatataas.

May hinala ang reporter ng Kapatid Network sa katauhan ng personalidad na ayaw makita ang sinuman mula sa TV5, pero hindi na siya nag-aksaya ng panahong alamin kung sino ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil oras ng trabaho ang pagdalo niya sa nabanggit na media conference, obligado ang reporter na iparating sa network management na wala siyang maibibigay na materyal o output dahil sa insidenteng nangyari.

Pumunta lamang ang reporter ng TV5 sa nabanggit na press conference dahil sa imbitasyong natanggap ng opisina nila, pero nagkaroon pa siya ng malungkot na karanasan.

Kung sinabihan agad ng mga namamahala sa presscon na ayaw makita ng personalidad ang sinuman sa mga kinatawan ng TV5 ilang oras bago nangyari ang presscon, naiwasan sana ang pagkakaroon ng isyu at kontrobersiya.

Siguradong hindi dadalo ang Kapatid Network reporter at ang mga kasama nitong cameramen na tumutupad lamang sa assignment na ibinigay sa kanila bilang nakatanggap nga sila ng pormal na imbitasyon.

Sabihin na ring pinipersonal namang masyado ang TV5 ng kung sinuman yung galit na nakatataas sa production company. Hindi ba dapat professional lang ang kaayusan?

Kasi, kasunod niyan, kahit sino nang reporter at cameraman mula sa anumang media ang pwedeng basta palayasin.

Sunod niyan, warning ba itong dapat mag-iingat ang lahat ng media companies sa kanilang output?

Hindi ba pre-censorship yang matatawag?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Comedian nanliit matapos magpa-selfie sa member ng sikat na grupo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results