PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

James Blanco pinagtataguan ng business partner

Dahil dito gumawa na ng legal na aksyon si James laban sa kasosyo.
by Jojo Gabinete
Published Dec 14, 2024
James Blanco in black jacket
Maibalik pa kaya ang perang na-invest ni James Blanco sa egg hatching business na pinasukan niya at ng iba pang investors ng hinahabol nilang nagtatagong businesswoman?
PHOTO/S: @jamesblancocastillo Instagram

Malaking halaga ng pera ang sinisingil ni James Blanco mula sa businesswoman na kasosyo niya sa negosyo ng hatching eggs business.

Pero hindi na sinasagot ang kanyang mga tawag sa telepono kaya nagdesisyon ang aktor na magsalita sa Cabinet Files.

Dismayado si James sa hindi nito mahagilap na business partner. Bukod sa nagtiwala siya, maganda ang pakikisama niya sa taong ayaw ibalik umano ang kanyang perang pinaghirapang ipunin sa matagal na panahon.

Read: Sherilyn Reyes talks about recovery after losing PHP37M

“Maganda yung negosyo, maganda ang kita hanggang sa lumalaki na yung investment pero nagkaroon na ng problema,” lahad ni James sa Cabinet Files.

“Parang ang kuwenta namin, umabot sa PHP300 million ang pera na nakuha niya mula sa mga investor.

“Hindi na talaga siya sumasagot. Nakita ko lang siya dahil may TikTok siya.

“Isang beses tinawagan ko siya. Sabi ko sa kanya, ‘Naging mabait naman ako sa yo. Alam mo naman na pinaghirapan ko ang pera na yan simula pa noong pandemic. Hindi yan biro.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, kailangan ko na ang pera ko. Wala siyang ibinibigay na reason.

“'Tapos hindi na niya ako sinasagot. Isang beses, nakita ko, online siya sa Viber. Tumawag ako, bigla niyang sinagot.

“Pagsagot niya, ‘Sorry, sorry, Sir James. Choppy, choppy.’

“Bigla niyang pinatay ang cellphone niya.”

Read: Rabiya Mateo, na-trauma matapos mabiktima ng investment scam

CELEBRITIES GETTING DRAGGED INTO INVESTMENT SCAM

Lumantad si James para hindi na raw madagdagan pa ang mga inosenteng tao na puwedeng malinlang ng negosyanteng kanyang tinutukoy, lalo pa’t sunud-sunod ang mga artistang nasasangkot sa mga investment scam.

“Gusto pa niya, kunin ako na endorser sa company niya. Naisip ko yung nangyari kay Kuya Ricardo [Cepeda].

Halos isang taon nakulong si Ricardo dahil nadamay ito sa kaso ng syndicated estafa, kahit brand ambassador lamang siya ng isang sales company na sangkot sa investment scam.

Non-bailable ang syndicated estafa na reklamo laban kay Ricardo, pero pinayagan siya ng korteng magpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan dahil walang sapat na ebidensiyang magpapatunay na may partisipasyon siya sa investment scam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ricardo Cepeda Wrongfully Accused, Stepson Says

Saad ni James, “Ako naman kasi, hindi basta pumipirma. Ang ginagawa ko, talagang ipinapabasa ko sa lawyer ko. Natuto ako sa ganyan.

“Ngayon kasi, ang mga tao na nagpautang, kami pa ang nagmamakaawa na bayaran ng mga umutang sa amin, e. Sila yung nagpapakasasa sa pera namin.”

Gumawa na rin daw ng legal na aksyon ang aktor laban sa taong kanyang tinutugis.

“Nagmamakaawa ako. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay, pero kapag ganito, sobra na itong mga tao na ’to.

“Gusto ko lang naman na magnegosyo. Alam naman natin na hindi stable ang pag-aartista. Marami ang walang mga trabaho.

"Napakasuwerte na lang na hindi ako nawawalan ng mga project, e. Passion ko talaga ang pag-arte.

"After Forever Young, nabigyan uli akong bagong show sa GMA-7,” pahayag ni James.

Umaasa si James na mababawi ang malaking halaga ng pera mula sa businesswoman na pinagkatiwalaan niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Rufa Mae Quinto, kumpirmadong may warrant of arrest din

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maibalik pa kaya ang perang na-invest ni James Blanco sa egg hatching business na pinasukan niya at ng iba pang investors ng hinahabol nilang nagtatagong businesswoman?
PHOTO/S: @jamesblancocastillo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results