Hindi malilimutan ng mga pumasa sa 2024 Bar examinations ang petsa na Friday, the 13th ng Disyembre dahil ito ang araw na inilabas ang listahan ng 3,962 na mga bagong abogado ng bansa.
Kabilang si Jillian Victoria del Rosario-Corpus sa mga mapapalad na nakapasa sa pagsusulit na nangyari noong Setyembre 2024 kaya ganap na ang pagiging abogado niya.
May showbiz connection si Jillian, dahil anak ito ni Viva Artists Agency President Veronique del Rosario-Corpus at ng direktor na si Jon Corpus. Apo siya ni Viva Entertainment CEO and founder Boss Vic del Rosario.
Nagtapos si Jillian ng kursong Law with honors mula sa Ateneo de Manila University at siya ang unang abogadong babae sa kanilang pamilya.
Maligayang-maligaya ang mga magulang ni Jillian dahil sa tagumpay nito sa 2024 bar exams na maituturing na maagang Christmas gift para sa pamilya nila.

[Published as is] “Congratulations Atty.Jillian Victoria del Rosario Corpus! Soo proud of you baby girl.We love you!! Thank you Lord,” ang Instagram post ni Veronique tungkol sa bagong achievement ng kanyang anak.
Samantalang “Congratulations daughter!!! I love you!!" [published as is] ang mapagmahal na mensahe ng pagbati ni Jon para kay Jillian.