Mahigpit ang pakiusap ng Mike Tuviera sa lahat ng mga dumalo sa press preview ng The Kingdom nitong Lunes ng gabi, Disyembre 16, 2024, na huwag isiwalat ang mga twist sa kuwento ng pelikulang opisyal na kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Si Mike ang direktor ng proyektong pinangungunahan nina Vic Sotto, Piolo Pascual, at Cristine Reyes.
Read: Mike Tuviera explores uncolonized Philippines in The Kingdom
Hindi pa napapanood ng lahat ng mga artista ng The Kingdom ang kabuuan ng kanilang pelikula.
Kaya nakiusap si Mike sa invited writers sa press preview, na ginanap sa Directors' Club ng SM Megamall, na huwag isulat ang mga sorpresa sa kuwento ng proyektong kanyang pinagbuhusan ng atensiyon at panahon.
Sa Disyembre 20, 2024 pa lamang magaganap ang red-carpet premiere ng The Kingdom.
A VERY DIFFERENT VIC SOTTO
Ibang-iba ang Vic Sotto na mapapanood sa The Kingdom dahil hindi siya nagpatawa, at straight drama ang mga eksena niya mula umpisa hanggang katapusan ng pelikula.
Pinatunayan ni Vic sa The Kingdom na bukod sa pagiging mahusay na komedyante, magaling din siyang dramatic actor tulad ng kanyang co-star na si Piolo Pascual.

Marami ang nais manood ng The Kingdom dahil naiintriga sila sa karakter na ginampanan ni Vic na nakasanayan nang nagpapatawa sa mga nakaraang pelikula niya.
Read: Piolo Pascual raves about Vic Sotto's dramatic prowess
MVP SPECIAL APPEARANCE
Ang APT Entertainment, MZET Television Productions, at MQuest Ventures ang producers ng The Kingdom.
May surprise appearance sa Vic Sotto-Piolo Pascual starrer si TV5 Chairman Manny V. Pangilinan (MVP).
Sister company ng TV5 ang MQuest Ventures kaya hindi nakapagtatakang nakumbinsi si MVP magkaroon ng mga eksena sa The Kingdom.
Nangyari sa kasalukuyang panahon ang kuwento ng The Kingdom, na nagpapakita sa mga Pilipino na namumuhay nang malaya na hindi sinakop ng mga Kastila, Amerikano, at mga Hapones — na malayo sa katotohanan.
Read: MMFF 2024: Star power, plus factor sa pagpili ng official entries