PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

My Future You, dark horse sa Metro Manila Film Festival 2024

Seth Fedelin, malakas ang laban bilang best actor sa MMFF 2024.
by Jojo Gabinete
Published Dec 17, 2024
seth fedelin francine diaz my future you
Seth Fedelin and Francine Diaz are being predicted to be the future of Philippine cinema because of their launching movie My Future You.
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook

Sina Francine Diaz at Seth Fedelin ang kinabukasan ng Philippine cinema.

Pinatunayan nila ito sa kanilang pelikulang My Future You, official entry sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF), na mula sa panulat at direksiyon ni Crisanto Aquino.

Naganap ang red-carpet premiere ng My Future You sa SM Megamall Cinema.

Lumabas na masaya at nakangiti mula sa loob ng sinehan ang lahat ng mga nanood na puring-puri ang launching movie ng loveteam nina Seth at Francine.

Read: Francine, "nagwala" nang makasama sa MMFF 2024 ang My Future You

The 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) celebrates its golden anniversary with an expanded lineup of 10 diverse films including
Photo/s: Screengrab from IMDb
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DARK HORSE

Ang My Future You ang isa sa mga itinuturing na dark horse sa MMFF 2024 dahil wala pang napatutunayan sa box-office sina Seth at Francine.

Pero inaasahang lilikha ng ingay ang kanilang pelikula sa Gabi ng Parangal na mangyayari sa Disyembre 27.

Napakahusay ni Seth sa karakter na ginampanan nito.

Malaki ang kanyang tsansang magkaroon ng nominasyon at manalo sa kategoryang best actor dahil sa napakanatural na pag-arte niya.

Napakalaki ng laban ni Seth sa ibang mga award-winning at veteran actors na may filmfest entry at hinuhulaang magwawagi.

Rebelasyon si Francine sa unang pelikula nila ni Seth dahil nakipagsabayan siya kay Seth sa pagalingan sa pag-arte.

Malakas ang tilian sa loob ng sinehan dahil sa mga hindi pilit pero nakakakilig na mga eksena nina Seth at Francine.

Read: MMFF 2024: Star power, plus factor sa pagpili ng official entries

franseth my future you premiere
Seth Fedelin and Francine Diaz
Photo/s: Regal Entertainment Inc. Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DIREK CRISANTO AQUINO

Kakaiba ang kuwento ng My Future You dahil nagbibigay ito ng mga mahahalagang aral sa buhay.

Walang mga kontrabida at walang mga eksenang bayolente kaya masayang lalabas mula sa mga sinehan ang mga nagbabalak manood.

Pulido at maganda ang pagkakagawa ng My Future You dahil sa mahusay na direksiyon ni Crisanto Aquino, na nagawang itawid ang pambihirang kuwento ng kanyang pelikula.

crisanto aquino my future you premiere
Director Crisanto Aquino
Photo/s: Regal Entertainment Inc. Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Crisanto ang direktor ng mga pelikulang Write About You at Instant Daddy. Noon pa man, ipinakita niya ang galing bilang storyteller.

Siya rin ang direktor ng Relyebo, ang Vivamax movie na critically-acclaimed dahil pa rin sa kanyang mahusay na direksiyon.

Ang Regal Entertainment, Inc. ang producer ng My Future You.

Sa isang pagtitipon, nabanggit ng producer na si Roselle Monteverde na kakaunti pa lamang ang mga sinehang pagtatanghalan ng kanyang pelikula.

Walang dapat ipag-alala si Roselle dahil tiyak na madaragdagan ang bilang ng mga sinehan ng My Future You kapag kumalat ang balitang napakaganda ng pelikulang handog ng Regal Entertainment at opisyal na kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival.

Read: Francine Diaz at Seth Fedelin, ayaw makumpara sa KathNiel

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seth Fedelin and Francine Diaz are being predicted to be the future of Philippine cinema because of their launching movie My Future You.
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results