Pinatunayan ng seasoned actress na si Hilda Koronel, 67, ang pagiging propesyonal sa live guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong nakaraan na Huwebes, Disyembre 19, 2024.
Read: Hilda Koronel, tatlong taong iniyakan ang pagtalikod sa showbiz
Alas-kuwatro ng hapon ang kanyang call time, pero dumating siya sa GMA Network Center building bago mag-alas tres, kahit 4:45 P.M. ang umpisa ng programa.
Nalaman ng Cabinet Files mula sa road manager ni Hilda na umalis ito sa bahay niya sa Pasig City ng alas-dos ng hapon dahil nag-aalala ang aktres na baka matindi ang sitwasyon ng trapiko sa mga lugar na daraanan nila ng kanyang mga kasama.
Nang matapos ng panayam sa kanya ni Boy, marami ang nagpakuha ng litrato na kasama si Hilda.
Sa halip na group photo, si Hilda pa ang nagsabi na puwedeng isa-isa ang pagpapakuha ng litrato ng mga lumapit sa kanya—na pagpapakita niya ng importansya sa mga tao.
Kaya maling-mali ang mga akala na suplada siya.
Bukod sa pagiging makatao, ang mahuli sa mga appointment niya ang isa sa pinaka-ayaw ni Hilda at ito naman ang kanyang ikinuwento sa media conference ng Sisa.
"I am quite fun. Palabiro rin ako. I am quite shy," sabi ni Hilda.
Hindi siya pumipili ng mga nakakatrabaho, pero mahalaga sa kanya na hindi sila mga latecomer.
Lahad niya: "Basta lang lagi silang on time. Ayoko talaga ng mga late okay? Yung mga nararanasan ko noong araw, take note, dun talaga ako nagwawala.
"Hindi naman nagwawala, pero talagang medyo ano ako…
"Six hours ako nag-aantay. Pagdating sa set, 'I’m sorry Tita, na-late ako.' 'Ah okay, six hours? I’m going. Iiwanan ko yung set.'
"Hihintayin ko. Pero uuwi ako pagkatapos akong halikan. So, in that sense, mataray ako."
Noon pa man ay natutunan na raw niya ang pagiging punctual sa trabaho.
"Because ang turo sa akin ni Lino [Brocka], 'Mauna ka.' Kaya kapag tinawag ako, ang call time ko, 8 o'clock, 7 o'clock nandoon na ako.
"Natataranta kahit Star Cinema. Yung staff dun, ‘Nandito na po si Miss Hilda.’
"Nakaupo na ako sa bonbon chair ko, naka-make up na ako, naka-rollers na ako. Yung mga late, ayoko nang mga nale-late."
May karagdagan pa siyang kuwento tungkol sa unprofessionalism ng ibang mga nakatrabaho niya noon.
"Meron pang isa, naka-rollers na ako. 'O, hanggang alas-dose lang ako dahil may appointment ako. Nandito na ako ng ala-siyete.'
"Naka-make up na ako kasi I used to do my own make up nung okay pa yung mata ko.
"Tapos, eto na, alas-diyes na, wala pa. 'Ay, hindi po pala makakarating kasi hindi po nakatulog. E, uminom ho ng Valium."
"Sabi ko, 'Okay, uwi na ako.' See you next day. Bahala na kung kailan. Things like that."
Sabi pa ni Hilda, "Para sa akin, yung time ninyo, importante sa akin.
"Kahit na sino, importante sa akin ‘yon. So kapag nale-late ka, parang hindi mo binibigyan ng importansya yung time ko.
"Kapag ginawa ko ‘yon sa yo, ganoon din ‘yon. It’s a sign of respect."
Kaya iniiwasan daw talaga ni Hilda na ma-late kahit five minutes.
Read: Hilda Koronel to make much-awaited comeback via Si
ON YOUNG STARS WHO COME UNPREPARED ON SET
"Pet peeve" din ng respetado at multi-awarded actress ang mga artistang hindi memoryado ang mga linya, lalo ang mga nakababata na aktor.
"Saka kapag gumagawa na ako ng mga eksena na mahirap, may iyakan, kung puwede take one lang tayo. Kung maaari lang naman. Lalo na kung madaling-araw na," lahad ni Hilda.
"Nung araw, di ba, 24 hours ang taping? May mga kaeksena ka?
"Minsan kasi naman, mga bata pa, tapos iyakan. E, I like one take lang kapag iyakan. Parang stale kasi kapag paulit-ulit.
"Gusto ko pagtira ko, okay na.
"E, minsan parang nanonood sila habang ginagawa ko [ang eksena]. Nakakalimutan nila ang linya."
Ibinahagi pa ni Hilda kung paano niya kinausap ang artista.
"May kaeksena ako na ganyan, e, 4 A.M. na ‘yon.
"Sabi ko, 'Alam mo, 16 years old ka lang, dapat kabisado mo yung dialogue mo, okay? Alas-kuwatro na, tara na.'
"Naiirita na ako nun. Inaantok na talaga ako, e. Things like that.
"Ayoko talaga ng mga late. Marami akong mapapatawad, pero yung mga late, hindi ko kaya."
Nang tanungin kung nasa showbiz pa ang kapwa artista na pinaghintay siya ng anim na oras, "uhum" lamang ang naging sagot ni Hilda.
Read: Legendary actress Hilda Koronel, balik-Pinas at balik-pelikula
ON DIRECTORS
Matindi, pero nakakatawa ang pamamaraan ng rebelasyon ni Hilda tungkol sa mga direktor na may personal na motibo at gusto siyang abusuhin.
"May mga direktor din ako na nababato ko ng script. They deserve it," diin niya.
"Meron talaga akong mga direktor na iniiwanan, na I can’t mention [the names].
"Yung iba kasi, they’re trying to get in you in bed so kapag ayaw mo, pinaparusahan ka.
"Ay, pag ganoon, nambabato na ako ng script."
Hindi rin daw pinapalampas ni Hilda kapag nagtataray ang direktor kahit walang sapat na dahilan.
"Tapos, may isa naman na masaya kami sa eksena kasi napuyat kami. Nag-disco kami etcetera.
"Tapos kinabukasan, ready naman kami, Memoryado namin yung aming lines. We’re ready, like perfect, naka-make up, on time, etc.
"Parang naaasar yung direktor, ‘Bakit kayo tawa nang tawa?’ I go, ‘Anong pakialam mo? E, kabisado ko naman yung dialogue ko. So, anong problema mo?’
"E, nagsusungit. 'Ayan na ‘yang script mo, uuwi ako.'
"Bumaba ako, umalis ako ng set. Isang linggo, hindi nila ako makausap.
"After that, nag-apologize din sila sa akin because I’m always ready.
"I try my best. I really do my best."
Read: Hilda Koronel remembers ex-husband Jay Ilagan; on good terms with Amy Austria
ON VALUING FILM WORKERS
Ayon kay Hilda, malaki ang pagpapahalaga niya sa mga maliliit na manggagawa sa industriya na hindi malaki ang mga suweldo.
Diumano, may mga pagkakataon na nagalit siya dahil sa hindi makatao na trato sa production crew at sa kanyang mga tauhan.
"Kahit may lagnat, nagtatrabaho ako noon kasi hindi mababayaran yung aking mga crew, yung staff, and all that.
"We were taught all of these, na yung work ethic namin is really, really important. Ang importante sa akin, yung mga pinakamababa, yung mga tauhan ko.
"Meron akong taping actually na bulok yung kanin na ipinakain nila sa aking mga crew. Yun, nagwawala ako kapag ganoon. Ayoko ng ganoon.
"Kailangan yung mga crew ko, inaalagaan din. I don’t like that, e. Dun ako sa mga maliliit na tao.
"Hindi importante sa akin yung mga nasa itaas pero yung maliliit, yung mga tauhan ko, importante sa akin yon.
"They have to be treated well kasi ang baba ng mga suweldo nila, especially nung araw.
"Sasabihin ni Lino kapag nilalagnat ako, hanggang matumba ako, nagte-taping ako. Kasi sabi niya, ‘Kapag nag-pack up tayo today, hindi sila mababayaran.'
"They were like being paid five hundred pesos, magdamag na yon kaya titiisin ko na lang."