Ang Mga Batang Riles ang unang regular show ni Krissha Viaje sa GMA-7 kaya maligayang-maligaya siya.
Hindi makapaniwala si Krissha na ipinahanap siya ng mga executive ng Kapuso Network para bigyan ng karakter na gagampanan sa action-drama series na mapapanood sa telebisyon simula sa Enero 6, 2025.
Read: Get to know Krissha Viaje: From Little Big Star to Safe Skies, Archer
Exclusive contract star si Krissha ng Viva Artists Agency at sinusuportahan ng publiko ang love team nila ni Jerome Ponce sa Safe Skies, Archer, ang romance/drama/comedy series ng Viva One.
Kaya ikinagulat ng kanilang mga tagahanga ang desisyon niyang tanggapin ang Mga Batang Riles.
Ang love team nina Krissha at Jerome ay kasama sa listahan ng PEP Best Bets 2024 ng PEP Editorial team.
Read: PEP BEST BETS 2024: The Pairs We Ship
"Alam ko may pinagpipilian tapos sa akin napunta ang role,” lahad ni Krissha nang makausap ito ng Cabinet Files sa media conference ng Mga Batang Riles noong Biyernes, Disyembre 20, 2024.
"Hindi ko na tinanong kung bakit ako ang napili pero nagkaroon po ako ng chance na makausap ang program manager, si Sir Dennis Bentulan, at ang executive producer, si Sir Erwin Hillado.
"Ang sabi nila sa akin, itinanong daw nila ako sa coach ng Viva na kilala. Ako raw ang ini-recommend. Siguro napanood din nila yung performance ko sa Safe Skies Archer.”
Dating miyembro si Krissha ng GirlTrends, ang all-girl group na mainstay ng It’s Showtime.

Read: Krissha Viaje recalls the time a ghost slept in her bed
KRISSHA VIAJE ALMOST QUIT SHOWBIZ
Noong panahon ng pandemya, pumasok sa isip ni Krissha na iwanan at talikuran ang showbiz dahil pinanghinaan siya ng loob.
Pagtatapat ni Krissha: "Muntik na akong mag-quit sa showbiz noong pandemic kasi po yung personality ko, mahiyain talaga ako.
"Parang nagkaroon ako ng insecurities during It’s Showtime which is not It’s Showtime’s fault.
"Parang it’s more of me talaga kasi nako-compare ko ang sarili ko sa ibang girls. They have longer faces and younger than me. Isa kasi ako sa mga matatanda noon sa GirlTrends."
Dalagita pa lang si Krissha nang unang sumabak sa showbiz.
"Nagsimula ako sa Little Big Star when I was 13 years old, tapos nasa TV5 na ako nang mag-debut, so alam ng mga tao ang tunay na edad ko.
"Parang ang feeling ko, 'Ay, siguro hindi talaga ako pang-showbiz dahil mahiyain ako, hindi ako ma-PR.'
"Yung confidence level ko, mababa po talaga, so inisip ko baka hindi talaga para sa akin ang showbiz."
BIG BREAK IN VIVA ENTERTAINMENT
Nagbago ang tingin sa sarili at mga pananaw ni Krissha sa buhay nang pumirma siya ng kontrata sa Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva Entertainment.
Malaking bagay daw ang guidance ni Viva Entertainment President and CEO Vic del Rosario.
Nagbago ang takbo ng career niya nang magbida sa Safe Skies, Archer.
"Si Boss Vic ang dahilan. Dati po kasi sa It’s Showtime, I had so many fears. Feeling ko rin na hindi ako pansinin dati dahil takot din po ako. Hindi ko mailabas.
"Saka kapag nasa akin na yung limelight, lumiliit ako. So after ng pandemic, habang wala pa akong ginagawa, I signed up with Viva.
"Si Boss Vic, pinu-push niya na maging aktres ako, pero gusto ko talaga [sana] na maging singer, performer," paliwanag ni Krissha.
Malaki ang pasasalamat ni Krissha dahil hindi nito itinuloy ang balak noon na talikuran ang showbiz.
Tinangkilik ng publiko ang Safe Skies, Archer, pati na ang love team nila ni Jerome.
Higit sa lahat, ipinagkatiwala sa kanya ng GMA-7 ang isang importante na karakter sa Mga Batang Riles.