PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Ricketts, may siniguro bago tanggapin ang Mga Batang Riles

Ronnie Rickets, may siniguro bago tanggapin ang Mga Batang Riles
by Jojo Gabinete
Published Dec 21, 2024
Ronnie Ricketts thrilled to be able to share his inputs in the making of Mga Batang Riles
Ronnie Ricketts on agreement with GMA-7 execs: "Pakialamero ako sa fight [scenes]. Honestly, that’s my forte... So, when they told me, 'Sige, tutulong ka. Turuan mo yung mga bata.' So pak, yun na!
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Isang sariwa at bata ang itsura na Ronnie Ricketts ang nasilayan ng entertainment press sa media conference ng Mga Batang Riles, ang action drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa Enero 6, 2025.

Bukod sa fresh-looking si Ronnie, matikas ang kanyang pangangatawan na nagpaalaala sa lahat na in-demand at top male model siya noong dekada ‘80 bago niya pinili na maging full-time actor.

Importante sa kuwento ng Mga Batang Riles ang karakter na ginagampanan ni Ronnie, na alam ang kuwentong si Senator Robin Padilla ang nagrekomenda sa kanya para sa nabanggit na papel.

"Mahal ko yon, napakabait sa akin ni Robin," ang pahayag ni Ronnie na maraming beses nang naging martial arts instructor ni Robin.

Nang makausap ng Cabinet Files si Robin sinabi nito na hindi niya tinanggap ang role sa Mga Batang Riles dahil sa dami ng kanyang mga ginagawa bilang senador.

Nabanggit ni Robin na siya ang nagrekomenda kay Ronnie, na tunay na magaling sa martial arts dahil naging estudyante na siya noon ng kanyang kapwa action star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanggap naman ni Ronnie ang proyekto dahil nagustuhan niya ang mga inilatag ng GMA-7 executives nang i-alok sa kanya ang Mga Batang Riles.

"Actually, maraming dumarating pero nagkakataon, hindi ko napi-feel.

"Maraming magaganda, but when they offered me this project, we had this very nice talk kasi minsan nagde-demand din ako. 'Anong gagawin ko? Ano ang puwede kong itulong?'

"Pakialamero ako sa fight [scenes]. Honestly, that’s my forte. Fight [scenes], pakikialaman ko yan.

"Minsan nagtatampo yung iba, but that’s how I do it."

May agreement daw sila ng GMA execs.

"If I don’t be part of it, hindi ko feel na kasama ako. So, when they told me, 'Sige, tutulong ka. Turuan mo yung mga bata.'

"So pak, yun na! Nakita ko na yung mga bata. I felt the excitement," lahad ni Ronnie tungkol sa pagpayag niya na magkaroon ng importanteng partisipasyon sa Mga Batang Riles.

Read: Miles Ocampo and Elijah Canlas PDA caught on camera

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

EXCITED OVER COLLABORATIVE WORK

Ipinaliwanag ni Ronnie na kapag tumatanggap siya ng mga proyekto, hindi ang pera ang importante dahil pinahahalagahan niya ang kanyang mga maitutulong.

"Very important na if you do a project, hindi lang yung pera. Hindi lang yung another project, but the adrenalin rush. That’s how I call it," ani Ronnie.

Kuwento pa niya tungkol sa pagsalang niya sa taping: "Sa first day nga, actually, hindi ako nakatulog. I only have three hours of sleep sa sobrang excitement.

"Ganoon ako kapag first time uli, bumabalik yung dati. Anong gagawin ko dito? Kaya ko pa ba?

"Mabuti, ambait si Direk Richard, parang barkada, so I felt I belong, yung staff, yung crew, of course, yung bosses natin.

"Ang sarap ng feeling. Yon ang hinahanap ko."

Ang tinutukoy niyang director ay si Richard Arellano.

Binanggit pa ni Ronnie na parang nakukulangan siya pag wala siyang input sa isang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: "Kapag nandoon na ako, hindi ako kasama, I don’t feel good about it. Pupunta ka lang sa set, uupo ka, tapos na.

"Ang gusto ko, inaalam ko ang puwedeng mangyari tapos susundot ako. 'Baka puwedeng idagdag ito, puwedeng ilagay ito.'

"Nagsa-suggest ako and they’re open to that. Natutuwa ako, 'Uy, may sense yung sinasabi ni Ronnie.'"

Read: Safe Skies, Archer star Krissha Viaje bibida sa serye ng GMA-7

RONNIE RICKETS ON CO-STARS

Pinuri rin ni Ronnie ang mababait na artista na kasama niya sa Mga Batang Riles, kaya ganado at masaya siya sa tuwing pumupunta sa set ng action drama series nila.

"Yun ang nagbigay ng kahalagahan sa project na to at yung suporta ng network sa amin.

"These guys are really great, the cast, walang mataas, lahat kami pantay-pantay.

"Siguro yon ang pinaka-importante. When you go to the set, everybody’s normal, walang 'Akala mo mayabang ba ito? Mabait ba ito?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama niya sa serye sina Jeric Raval at Jay Manalo.

"Si Jeric, nung una, akala ko mayabang. Si Jay Manalo, of course, nakasama ko na. Masarap kakuwentuhan.

"Parang school, excited kang pumasok. I am so happy to be part of this," ang inspiradong-inspirado na kuwento ni Ronnie.

Read: What Gary Valenciano tells crowd before ending his concert

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Ricketts on agreement with GMA-7 execs: "Pakialamero ako sa fight [scenes]. Honestly, that’s my forte... So, when they told me, 'Sige, tutulong ka. Turuan mo yung mga bata.' So pak, yun na!
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results