PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann Santos, masungkit kaya ang Best Actress sa 50th MMFF?

Judy Ann Santos, proud sa cast ng Espantaho: "We did a good job."
by Jojo Gabinete
Published Dec 22, 2024
Espantaho star Judy Ann Santos on MMFF 2024 Awards
Judy Ann Santos, idiniin na madaming magagaling na artista sa MMFF 2024; nag-enjoy kahit pagod sa MMFF 2024 Parade of Stars.
PHOTO/S: @officialjudayph Instagram

Si Judy Ann Santos ang nanalong pinakamahusay na aktres sa 45th Metro Manila Film Festival noong Disyembre 2019, dahil sa kanyang hindi matatawaran na pagganap sa Mindanao.

Read: MMFF 2024 Parade of Stars sidelights

Marami ang naniniwalang malaki ang tsansa ni Judy Ann na muling magwagi na pinakamahusay na aktres sa 50th Metro Manila Film Festival dahil pinupuri ang pag-arte na ipinamalas niya sa Espantaho.

Nagkaroon ng pagkakataon ang entertainment press na makausap si Judy Ann nitong Linggo ng tanghali, Disyembre 22, 2024, sa isang restaurant sa Alabang, Muntinlupa City.

Ang posibilidad na magwagi siya na best actress sa Gabi ng Parangal ng 50th MMFF na magaganap sa Disyembre 27 ang itinanong sa kanya.

"Maaaring cliché pakinggan, palagi naman nilang sinasabi na best actress, pero sa totoong salita, napakaraming magagaling,” sagot ni Judy Ann.

Paliwanag niya, "Maraming silent movies na hindi mo masasabi kung sino yung puwedeng maging best picture, maging best director, maging best actress kasi ang daming magaganda talaga sa latag ngayon ng entries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero para mapansin yung trabaho naming lahat sa Espantaho, I think we did a very good job. That alone, nakakataba na ng puso."

Read: Fearless forecast: MMFF 2024 top 4 entries sa box office

judy ann santos on MMFF 2024 PARADE OF STARS

Sumali si Judy Ann sa Parade of Stars ng 50th MMFF na idinaos sa Maynila noong Sabado, Disyembre 21, at gabi na nang matapos ang parada dahil sa maraming lugar na inikutan.

Matindi ang pagod na naramdaman ni Judy Ann, pero masayang-masaya siya dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanila.

"Na-enjoy ko," ani Judy Ann. "Na-miss ko rin naman [ang parada] pero kung mas bata ako, mas nag-enjoy ako siguro.

"Gets naman, probably because kaya ganoon din katindi yung preparation ng Manila kasi 50th ng MMFF kaya ang lawak talaga ng inikot namin.

"Although na-appreciate ko yung presentation ng floats, yung paglagay ng cast sa Manila Post Office. Tinrabaho naman ng todo-todo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi lang ako prepared, yung energy ko, kapit na ako sa float."

Judy Ann Santos with Lorna Tolentino and Chanda Romero
Lorna, Judy Ann, and Chanda
Photo/s: @officialjudayph Instagram

ON ESPANTAHO CO-STARS

Napagod din ang daw ang co-stars niya na sina Chanda Romero at Lorna Tolentino o LT.

"Si Tita Chanda, sumakit na yung balakang. Si Nanay LT, grabe na yung ubo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nagkahawahan kami kasi nung premiere night. Ako yung masama ang pakiramdam. May mga ibinigay siya sa akin na gamot galing Japan. Umayos naman ang pakiramdam ko.

"Kinabukasan, siya naman yung nahawa sa akin.

"Ang maganda sa parada na 'to, makulimlim. Maganda yung panahon so hindi banas.

"Pero simsim na simsim mo yung kausukan ng Maynila."

Natatawang hirit pa ni Judy Ann, "At least, hindi mukhang Happy New Year yung mga ilong namin.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos, idiniin na madaming magagaling na artista sa MMFF 2024; nag-enjoy kahit pagod sa MMFF 2024 Parade of Stars.
PHOTO/S: @officialjudayph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results