PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Seth Fedelin, proud breadwinner ng kanyang pamilya

Seth Fedelin, inaalagaan ang amang na-stroke.
by Jojo Gabinete
Published Dec 24, 2024
seth fedelin my future you
Seth Fedelin on his humble beginnings: “Lumaki rin ako sa kalsada. Nasubukan ko na ring maghakot, nangalakal na rin ako sa halagang pang-piso net. Nagpipintura ako ng kulungan ng mga aso, nagtatabas ako ng damo, naghahatid ako ng mga basura. So, ang dami kong pinagdaanan na hindi biro sa murang edad na hindi dapat nakikita o nararanasan nang ganoong edad.”
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook

Ang natural at mahusay na pag-arteng ipinamalas ni Seth Fedelin sa My Future You ang nag-iisang dahilan para magkaroon siya ng nominasyon sa kategoryang best actor sa Gabi ng Parangal ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Gaganapin ang MMFF awards night sa Solaire Resort Ballroom sa Disyembre 27, 2024.

Napangiti, napayuko, at pinagdaop ni Seth ang mga palad bilang pasasalamat nang purihin ng Cabinet Files ang kanyang worthy-of-an-acting-nomination na pagganap sa My Future You.

Read: REVIEW: My Future You, an emotional rollercoaster worth watching

Kahit baguhan pa lamang na aktor, may tsansa si Seth na manalong best actor para sa karakter niya sa My Future You, ang official entry ng Regal Entertainment, Inc. sa MMFF 2024.

Kung saka-sakali, mahigpit niyang makakalaban sa best actor category sina Aga Muhlach para sa Uninvited, Dennis Trillo para sa Green Bones, Arjo Atayde para sa Topakk, at sina Vic Sotto at Piolo Pascual para sa The Kingdom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madalas ikinukumpara si Seth kay Daniel Padilla noong nagsisimula pa lamang ang kanyang showbiz career dahil halos magkapareho ang kanilang mga kilos at pananalita.

Pero sa mga eksena niya sa My Future You, tuluyan nang nakawala si Seth mula sa anino ni Daniel dahil pinatunayan niya ang angking talino at sariling estilo sa pag-arte.

Read: My Future You, dark horse sa Metro Manila Film Festival 2024

my future you poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SETH FEDELIN: PROUD BREADWINNER

Makulay ang kuwento ng buhay ni Seth dahil maraming hirap at pagsubok ang pinagdaanan niya bago siya pinalad makapasok sa entertainment industry.

Naging teen housemate si Seth sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother Otso noong 2018.

Hindi nakagugulat na magaling na aktor si Seth dahil sa kanyang mga personal na karanasan na napaghuhugutan niya ng iba’t ibang klase ng emosyon.

Lahad niya: “Lumaki rin ako sa kalsada. Nasubukan ko na ring maghakot, nangalakal na rin ako sa halagang pang-piso net.

“Nagpipintura ako ng kulungan ng mga aso, nagtatabas ako ng damo, naghahatid ako ng mga basura.

"So, ang dami kong pinagdaanan na hindi biro sa murang edad na hindi dapat nakikita o nararanasan ng ganoong edad.”

Read: Seth Fedelin, kinakabahan sa unang pagsali sa MMFF

Si Seth ay breadwinner ng pamilya at isa sa mga nag-aalaga sa kanyang ama na matagal nang may karamdaman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Inalagaan ko ang tatay ko, na-stroke siya. Yun ang totoong buhay ko.

“Okay naman po ang tatay ko. Yun ang hugot ng buhay ko.

"Bata pa ang tatay ko nang ma-stroke, siguro 36 years old siya. Ngayon 45 years old na siya,” ang sabi ni Seth.

Ipinagmamalaki ni Seth ang pagiging breadwinner ng pamilya.

“Nakaka-proud na maging breadwinner dahil sa dami ng hirap na pinagdaanan ko, hanggang ngayon ginagawa ko ito para sa pamilya ko,” pahayag niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seth Fedelin on his humble beginnings: “Lumaki rin ako sa kalsada. Nasubukan ko na ring maghakot, nangalakal na rin ako sa halagang pang-piso net. Nagpipintura ako ng kulungan ng mga aso, nagtatabas ako ng damo, naghahatid ako ng mga basura. So, ang dami kong pinagdaanan na hindi biro sa murang edad na hindi dapat nakikita o nararanasan nang ganoong edad.”
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results