Ipinagtapat ni Pokwang na may four-year-old grandson na siya sa kanyang panganay na anak na si Mae Subong.
Isiniwalat ito ng Kapuso comedienne sa guesting nila ni Mae sa Fast Talk with Boy Abunda nitong araw ng Pasko, Disyembre 25, 2024.
Gabriel ang pangalan ng apo ni Pokwang.
Read: Pokwang surprises daughter Mae Subong with her "dream car"
Kusang-loob nanggaling kay Pokwang ang impormasyong ito dahil sa kanyang katuwirang hindi naman artista si Mae, na 28-anyos na ngayon.
Pag-amin ni Pokwang: “I am a lola and it’s another blessing.
"I have a four-year-old, super-super cute. Another blessing ng buhay ko.
“Another reason na ipagdasal ko ang sarili ko na humaba pa ang buhay ko para makita ko ang paglaki.
"Super-super cute na bata. Super talino. I am a proud lola."
POKWANG ON FINDING OUT MAE WAS PREGNANT
Hindi raw nakaramdam ng galit si Pokwang nang malaman niyang buntis ang kanyang anak na hindi pa kasal.
“Hindi ako nagalit. Basta maka-graduate ka lang, masaya na ako.
"Sinunod naman niya ako kahit masakit sa likod ang tuition fee niya.
“Sabi ko, 'Maka-graduate ka lang, ako na yung pinakamasayang nanay.'
"Ginawa naman niya. Naka-graduate siya, nakapagtrabaho siya.
"Hindi naman siya naging pasaway na bata. Hindi naman siya naging sakit sa ulo na anak.
"Kaya nung nalaman ko na she’s pregnant, I am so so happy. Hindi ako nagalit. Hindi ko siya sinumbatan."
Read: Pokwang calls for help after losing PHP85K on GCash

LEE WANTED MAE TO LEAVE THEIR HOUSE
Ibinahagi ni Pokwang na gusto noon ng ex-partner niyang si Lee O’Brian na palayasin si Mae mula sa kanilang tahanan dahil sa pagbubuntis nito nang hindi pa kasal.
Twenty-four years old si Mae nang isilang nito ang anak.
Lahad niya, “In fact, yung isa pa ang gusto siyang palayasin.
"'Bakit mo palalayasin, anak ko yan? Pandemic, mas kailangan ako ng anak ko.
"'Bakit mo papaalisin ang anak ko? Ngayon niya ako kailangan and it’s pandemic, saan pupunta yung bata?'"
Kamakailan lamang nalaman ni Mae ang masakit na katotohanan dahil, ayon sa kanya, pinoprotektahan pa noon ni Pokwang si Lee.
Kuwento ni Mae, “Yung gusto po akong palayasin ng ex niya sa house, ‘coz I got pregnant without getting married.
“He wanted me out of the house.
"Saka between me and him, parang ako yung mas may karapatan na nasa bahay. Hindi siya, kung tutuusin."
Nagulat daw si Mae sa ipinagtapat sa kanya ni Pokwang.
“Lately ko na lang nalaman, this year. Siguro para hindi na rin ako magtanim ng sama ng loob towards him.
"So, that time, pinoprotektahan pa rin ni Mama yung ex niya para magkaroon kami ng maayos na relationship.”
Sa maiksing panayam ng Cabinet Files kay Mae, sinabi nitong spoiled na spoiled at mahal na mahal ni Pokwang ang kanyang anak na si Gabriel, na isinilang noong panahon ng pandemya.
Bukod kay Mae, may isa pang anak si Pokwang — si Malia, na bunga ng pagmamahalan nila ng estranged partner niyang si Lee O'Brian.
Read: Pokwang shares photos of new house; sells properties with "traces" of ex-partner