PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VMX movie Boy Kaldag, "ice breaker" sa ongoing MMFF 2024

VMX movie na Boy Kaldag, "ice breaker" sa ongoing MMFF 2024
by Jojo Gabinete
Published Dec 27, 2024
benz sangalang boy kaldag
Benz Sangalang stars in the VMX movie Boy Kaldag, which will begin streaming on December 27, 2024.
PHOTO/S: VMX Philippines

Mag-uumpisa ang streaming ng launching movie ng VMX actor na si Benz Sangalang, ang Boy Kaldag, sa Disyembre 27, 2024.

Parehong ikinumpara ni Benz at ng direktor ng Boy Kaldag na si Roman Perez Jr. ang kanilang pelikula sa mga opisyal na kalahok sa ongoing 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) na nagsimula noong Pasko, Disyembre 25.

Read: Benz Sangalang gets big break in launching movie, Boy Kaldag

“Ice breaker po ang Boy Kaldag sa mga serious movie na kasali sa Metro Manila Film Festival na ma-e-enjoy na panoorin sa kani-kanilang mga tahanan,” deklarasyon ni Benz nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Huwebes, Disyembre 26.

Dagdag ng VMX actor, “Ang comedy movie po sa MMFF na napapanood sa mga sinehan, e, medyo pigil.

"Sa Boy Kaldag na mapapanood sa VMX streaming site, medyo all out. Nakakatawa rin naman po kahit hinaluan ng konting kabastusan.”

Read: Victor Relosa-Benz Sangalang silent feud over Vivamax King title

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
benz sangalang boy kaldag
Benz Sangalang in a scene from Boy Kaldag
Photo/s: VMX Philippines

BOY KALDAG, MMFF CALIBER

Diretsahan namang sinabi ni Direk Roman na pang-MMFF ang kalibre ng kuwento ng Boy Kaldag at naiiba ang komedya ng kanyang mapangahas na pelikula.

Saad niya, “Walang komedya na tulad ng Boy Kaldag. Ang pelikula ni Vice Ganda, mas drama at LGBTQ ang tema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Walang comedy na '90s at Gamol or Janno Gibbs-feel. Ang Boy Kaldag, parang male gaze pero may feminism.”

Tinanong ng Cabinet Files si Direk Roman kung puwedeng ibahagi sa publiko ang kanyang kontrobersiyal na pahayag.

Sagot niya, “Oo naman. Sa totoo lang kasi, Dolphy jokes at mga Vic Sotto-Joey de Leon humor…”

May sagot din si Roman tungkol sa moral values na matututunan mula sa panonood ng Boy Kaldag, na tungkol sa isang lalaking itinuturing na malaking problema ang pagiging well-endowed niya.

Ayon sa direktor, “Kung ano ang meron ka, pasalamatan mo na ibinigay sa yo. I-maximize mo.

"Kung ikaw ay wicked, deformed o may kapansanan, gamitin mo.

“Hindi man perfect ang pamilya mo, may mga support system ka. Magiging maayos kang tao. Fan kasi ako ng dysfunctional family."

Dagdag niya, “Sana nga, ipinalabas sa mga sinehan sa January 2025 ang Boy Kaldag dahil umay na umay ang mga tao sa MMFF na puro seryoso at tungkol sa family ang tema.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang Boy Kaldag, break, e. Hinga sa festivals na hindi kailangan na maging perfect ang MMFF entry. Kailangan natin sa Pasko, maging happy vibe lang, kaldag humor.”

Read: Benz Sangalang tumangging gumamit ng prosthetic sa kanyang launching movie

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Benz Sangalang stars in the VMX movie Boy Kaldag, which will begin streaming on December 27, 2024.
PHOTO/S: VMX Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results