PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item: Kontrata ng aktor, gustong bilhin ng movie producer

Namamahala sa career ng aktor, posibleng tanggapin ang alok ng movie producer.
by Jojo Gabinete
Published Dec 30, 2024
blind item actor
PHOTO/S: Canva

Nagaganap na ang negosasyon sa pagitan ng dalawang movie producers tungkol sa kontrata ng isang aktor.

Kapag nagkasundo ang dalawang movie producers, ang aktor ang makikinabang nang husto dahil magiging aktibo na uli siya sa pag-arte.

Kung hindi magkakaroon ng balakid sa negosasyon, magiging maganda para sa aktor ang 2025 dahil makagagawa na uli siya ng mga pelikula.

Read: Sexy star, matagal nang hiwalay sa napapabalitang boyfriend

Matagal nang walang proyekto ang mahusay na aktor mula nang magbigay ito ng mga problema sa kompanyang namamahala sa kanyang acting career.

Hindi naman nawawalan ng mga offer ang aktor, pero ito ang tumatanggi.

Bukod sa hidwaan nila ng kanyang mentor, marami umano siyang pinagdadaanang personal na usapin.

Kapag tumatanggap naman ng pelikula ang aktor, hindi na siya napapakinabangan sa promo dahil hindi niya sinisipot ang mga presscon at TV guesting.

Read: Comedian nanliit matapos magpa-selfie sa member ng sikat na grupo

PRODUCER GRABS THE OPPORTUNITY

Matagal nang interesado ang movie producer sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang malaman niya ang mga isyu, nakakita siya ng pagkakataon para makuha ang serbisyo ng talent na matagal na niyang pinupuntirya.

Nag-alok ang movie producer na bibilhin nito ang kontrata ng aktor para makalaya na ito mula sa pagkakatali sa home studio niya.

Malaki ang tsansang pakawalan ang aktor ng home studio niya.

Sa dami ng mga nangyari, mahirap nang bumalik ang kanilang dating magandang pagsasama.

Kesa pairalin ang pagiging sentimental at emosyunal, nagpakapraktikal din ang nangangalaga sa career ng aktor.

Napag-isip-isip niyang higit na pabor sa kanya kung ibebenta na lamang ang kontrata ng aktor sa interesadong movie producer dahil mawawalan na siya ng mga alalahanin.

Read: Male personality, binawi ang luxury car na ibinigay sa aktres

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results