PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Showbiz personality, nagigimbal sa natutuklasan sa ex

Hindi pala niya tunay na kilala ang lalaking pinili na makasama habambuhay.
by Jojo Gabinete
Published Jan 1, 2025
Blind Item: Showbiz personality nagigimbal sa nalalaman sa ex
Matagal na panahon na hinintay ni Showbiz Personality na mapawalang-bisa ang kasal sa asawa. Hanggang ngayon, nagigimbal siya sa mga nababalitaan tungkol dito.
PHOTO/S: freepik.com

Umaasa ang controversial female showbiz personality na magiging maganda at maayos na ang takbo ng kanyang buhay ngayong 2025 dahil sa wakas, legal na ang paghihiwalay nila ng equally-controversial husband niya.

Matagal na panahon ang hinintay ng showbiz personality bago naaprubahan ng korte ang kanyang petisyon para mapawalang-bisa ang kanilang kasal pero hindi siya nawalan ng pag-asa na makakamit ang kalayaan na pinakamimithi.

Naging masaya ang pagsasama ng dalawa at ipinaramdam ng asawa ng showbiz personality ang sobrang pagmamahal sa loob ng maraming taon, hanggang lumitaw ang katotohanan na sangkot siya sa maraming anomalya.

Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang showbiz personality dahil sa kanyang mga natuklasan.

Nasaktan siya sa kanyang napagtanto na hindi pala niya tunay na kilala ang lalaking pinili na makasama habambuhay, sa kabila ng maraming taon na pagsasama nila.

Hanggang ngayon, nagigimbal nang husto ang showbiz personality dahil sunud-sunod pa rin ang mga natutuklasan niya na anomalya na kinasasangkutan ng kanyang ex-husband, kahit hiwalay na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan, pinipilit ng showbiz personality na magpakatatag at makabangon muli, sa tulong ng kanyang mga taimtim na panalangin at matinding pananalig sa Panginoong Diyos.

Naniniwala ang showbiz personality na malalampasan niya ang mga pinagdaraanan na pagsubok sa pamamagitan ng patuloy na pagkapit sa Diyos na hindi siya pinababayaan mula nang malaman ang tunay na pagkatao ng lalaking kanyang pinakasalan.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matagal na panahon na hinintay ni Showbiz Personality na mapawalang-bisa ang kasal sa asawa. Hanggang ngayon, nagigimbal siya sa mga nababalitaan tungkol dito.
PHOTO/S: freepik.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results