PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Darryl Yap nag-ingay agad with The Rapists of Pepsi Paloma teaser

Unang araw ng 2025, ito agad!
by Jojo Gabinete
Published Jan 1, 2025
rhed bustamante, daryll yap, pepsi paloma
Kapapasok pa lang ng 2025, nag-ingay na agad si Direktor Daryll Yap (gitna, inset) nang i-post niya sa Facebook ang teaser ng bago niyang pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma." Ang dating child actress na si Rhed Bustamante (kaliwang larawan) ang gumaganap na Pepsi Paloma (kanang larawan).
PHOTO/S: Screenshot from The Rapists of Pepsi Paloma teaser / Daryll Yap Facebook / File

Trigger Warning: Mention of rape, suicide

Ang movie teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma na inilabas ng direktor na si Darryl Yap sa kanyang Facebook page ang gumawa ng ingay sa unang araw ng 2025.

Si Pepsi Paloma ay ang dating bold star na nagpatiwakal sa edad na 18 noong Mayo 31, 1985.

Ang former child actress na si Rhed Bustamante ang gumaganap na Pepsi Paloma.

Read: Sexy star Pepsi Paloma still trending 38 years after her death

rhed bustamante the rapists of pepsi paloma
Rhed Bustamante as Pepsi Paloma
Photo/s: Darryl Yap Facebook

Ang award-winning actress at direktor na si Gina Alajar ang nagbigay-buhay sa katauhan ng yumaong beteranang aktres na si Charito Solis.

gina alajar the rapists of pepsi paloma
Gina Alajar as Charito Solis
Photo/s: Darryl Yap Facebook

Ang kontrobersiyal na eksena nila ang matutunghayan sa movie teaser na pinag-usapan at nagpayanig sa showbiz ngayong January 1, 2025, Miyerkules.

Hindi maipagkakailang nais manggulat at umagaw-eksena ang teaser dahil direktang binanggit dito ang pangalan ng veteran comedian at TV host na si Vic Sotto.

Rhed Bustamante as Pepsi Paloma
Rhed Bustamante as Pepsi Paloma.
Photo/s: Screenshot from The Rapists of Pepsi Paloma teaser
Gina Alajar as Charito Solis.
Gina Alajar as Charito Solis.
Photo/s: Screenshot from The Rapists of Pepsi Paloma teaser

Kalakip ng teaser ang caption na ito:

"LABAN O BAWI

"Teaser 1

"Inakusahan ng Rape ni Pepsi Paloma si Vic Sotto atbp; subalit makalipas ang ilang kaganapan ay inurong nito ang demanda.

"Bakit?

"Abangan si Rhed Bustamante bilang PEPSI PALOMA"

Nagkasama sina Pepsi at Charito sa 1984 movie na Naked Island.

Tampok din sa The Rapists of Pepsi Paloma ang award-winning actor na si Mon Confiado bilang si Dr. Rey dela Cruz, ang talent manager ni Pepsi.

mon confiado the rapists of pepsi paloma
Mon Confiado as Dr. Rey dela Cruz
Photo/s: Darryl Yap Facebook

Ang beteranang aktres namang si Shamaine Buencamino ang gumaganap bilang Lydia Duena Whitley, ang ina ni Pepsi.

shamaine buencamino the rapists of pepsi paloma
Shamaine Buencamino as Lydia Duena Whitley
Photo/s: Darryl Yap Facebook

Ang theater actor na si Andres Balano Jr. ang gumaganap sa papel na Ricardo Reyes, o mas kilala bilang comedian na Richie D' Horsie.

andres balano jr. the rapists of pepsi paloma
Andres Balano Jr. as Richie D' Horsie
Photo/s: Darryl Yap Facebook

THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA

Unang inanunsiyo ni Yap na gagawa siya ng pelikula tungkol kay Pepsi noong Oktubre 28, 2024.

Ayon sa direktor, nagkainteres siyang gawan ng pelikula ang buhay ni Pepsi dahil kababayan niya sa Olongapo City ang yumaong bold star.

Sa kanyang Facebook post noong Oktubre 28, sinabi ni Yap: “Ang aking kababayan na si Pepsi Paloma, Olongapeña, Artista, Biktima.

"Sa darating na 2025, bago sumapit ang ika-40 anibersaryo ng kanyang kontrobersyal na pagpapatiwakal—Kilalanin natin ang Anino, ang Multo, ang Alingasgas ng kanyang Pagkatao.

"Ang Aking ika-17 Pelikula: THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA.”

Bagamat may kontrata si Yap sa Viva Films, ibang movie company ang producer ng kontrobersiyal na pelikulang balak ipalabas sa mga sinehan sa Pebrero 2024.

Pero maaaring magkaroon ito ng mga isyu dahil sa maselang kuwentong tinatalakay ng pelikula.

Hindi pa ipinanganganak si Yap nang maging malaking isyu sa Pilipinas, noong Hunyo 1982, ang akusasyong biktima umano ng pang-aabuso si Pepsi at kapwa bold star na si Guada Guarin.

Nangyari umano ang insidente sa Sulu Hotel, Quezon City.

Ang mga itinuro ni Pepsi at kinasuhan ng rape ay ang mga komedyanteng sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Richie D’Horsie.

PEPSI PALOMA'S CONTEMPORARIES

Buhay na buhay pa ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Pepsi, gaya ng mga dating bold star na sina Coca Nicolas at Gil Guerrero.

Sila ang puwedeng tanungin ni Yap tungkol sa kanilang mga nalalaman sa mga pangyayari noong 1982.

Read: Pepsi Paloma, buhay pa rin sa alaala ng publiko 35 taon pagkatapos pumanaw

Pepsi Paloma
Pepsi Paloma
Photo/s: File

Sa ekslusibong panayam ng Cabinet Files kay Guerrero noong Mayo 30, 2020, sinabi nito: "Yung kaso ni Pepsi, nagpunta pa kami kay Juan Ponce Enrile, sa PNP [Philippine National Police].

"Si Enrile, noong panahong iyon, ang defense secretary ni President Ferdinand Marcos [Sr].

"After sa PNP, punta kami kay Gus Villanueva [editor] sa People’s Journal.

"Pumupunta kami sa mga television show, pumupunta kami sa Balita, kay Mario Cabling, sa mga newspaper office.

"Pero, hindi ko na alam ang nangyari dahil biglang wala na yung kaso.

"Siyempre, abogado sa abogado ang kaso, so closed na.

"Hindi ko alam kung nagkaaregluhan.”

Sa panayam kay Senator Tito Sotto ng DZMM noong 2016, at sa report na inilabas ng ABS-CBN News noong August 2018, iginiit ng nakatatandang kapatid ni Vic na gimik lamang ni Rey dela Cruz ang lahat.

"Para ho sa kaalaman ng lahat... gimik ho ni Rey dela Cruz yun. Hindi ho totoo yung sinasabi.

"Pinagtangkaan nilang magkaso kasi tinira sila ng libel nina Vic at Joey.

"Idinemanda sila ng libel kaya pinagtangkaan nilang balikan ng kaso," pahayag noon ni Sotto.

Maaaring makapagbigay-linaw rin sa usapin si Atty. Lorna Kapunan dahil isa ito sa mga abogado ni Pepsi.

Nanggaling ang impormasyong ito mula pa rin kay Gil nang magpaunlak itong magpa-interview sa Cabinet Files noong Mayo 2020.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapapasok pa lang ng 2025, nag-ingay na agad si Direktor Daryll Yap (gitna, inset) nang i-post niya sa Facebook ang teaser ng bago niyang pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma." Ang dating child actress na si Rhed Bustamante (kaliwang larawan) ang gumaganap na Pepsi Paloma (kanang larawan).
PHOTO/S: Screenshot from The Rapists of Pepsi Paloma teaser / Daryll Yap Facebook / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results