Ang Cornerstone Entertainment Inc. at ang Project 8 Projects ng direktor na si Antoinette Jadaone ang producers ng Ex Ex Lovers, ang reunion movie nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.
Si Antoinette ang nagpaliwanag tungkol sa desisyon nila ng Cornerstone Entertainment Inc. na igawa ng pelikula ang love team na sikat na sikat noong dekada ’90.
“Sina Marvin at Jolina, may unique brand of romcom. Parang yung comedy nila, sila yung physical comedy.
"Parang dahil nga bestfriends ang dating nila, yung pagkakantiyawan nila sa isa’t isa, very relatable,” pahayag ni Antoinette na aminadong tagahanga ng romcom movies.
“Dahil romcom fans talaga kami, na-miss namin yung ganoong romcom na manonood tayo ng sine para kiligin at tumawa.
"Merong konting drama pero yung lightness ng romcom, nanaig. Yun ang gusto namin na maibalik sa Ex Ex Lovers.
“Yung mga eksena talaga, funny. Minsan nga, kailangan kong sabihin, 'Wala nang oras, ha!'
"Ito walang etchos, si Marvin at Jolina, sobrang gaan nila katrabaho.
“Siyempre, hindi naman yan nakikita ng mga tao pero it’s important for us, filmmakers, na enjoy na katrabaho yung mga artista.
"Lumalabas yung energy nila, napupunta sa amin," sabi pa ni Jadaone.
“Kalokohan comeback!” ang pabiro namang sabi ni Marvin tungkol sa muling pagtatambal nila ni Jolina sa pelikula.
“Matagal na naming gustung-gustong gawin itong kalokohan na ito.
"Buti na lang, naniwala sina Tonette at JP Habac [direktor ng Ex Ex Lovers] sa aming dalawa ni Jolina,” lahad ni Marvin na natawa at kinilig nang mapanood ang teaser ng kanilang reunion project.
“Actually, nahihiya na kami kasi kami yung tawang-tawa sa sarili namin.
"Sabi namin, 'Puwede ba na ipapanood ninyo muna sa iba kung totoong nakakatawa kasi baka kami lang yung natutuwa.'
“Pero sabi nga ni Direk JP, ‘We’ve been discussing and talking about this film.’
“Hindi lang kasi siya basta pelikula sa amin ni Jolina. Parang ito yung buhay namin mula noong ’90s and this is something that we want to do again as artists, as actors.
“Seeing a teaser like that na parang in a way yung vibe nung ’90s, yun din ang nararamdaman namin and I hope, yun din ang mararamdaman ninyo.
"Kasi iyon ang gusto namin na ipapanood sa inyo, yung saya, yung vibe nung ’90’s. Sana yun ang maramdaman ninyo sa pelikula.”