Isang sorpresa ang sumalubong kay Boy Abunda sa unang araw ng live telecast ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong 2025
Bago na ang set ng kanyang panghapong showbiz talk show sa GMA-7.
Read: Boy Abunda writes songs for the LGBTQ community

Sa Enero 23, 2025 ay ipagdiriwang ng programa ni Boy ang ikalawang taong anibersaryo sa telebisyon kaya akmang-akma ang bagong set.
Nagkakahalaga umano ng mahigit sa kalahating milyong piso ang bagong set na unang ipinakita sa telebisyon ngayong Huwebes, January 2.
Inumpisahang gawin ang set noong Disyembre 20, 2024.
Tiniyak na tapos na ito ilang araw bago ang live telecast ng Fast Talk With Boy Abunda ngayong hapon.

THE BLESSING
Isang misa, na pinangunahan ni Fr. Vhen Yator ng Sacred Heart Parish Shrine, Quezon City, ang ginanap.
Pagkatapos ng banal na misa, binasbasan ni Fr. Yator ang bagong set ng programa ni Boy, pati ang kabuuan ng studio sa 17th floor ng GMA Network Building.

“Bagong bihis po ang aming tahanan,” pagbabahagi ni Boy sa manonood ng Fast Talk with Boy Abunda.
“Kanina po ay binasbasan ang ating bagong set ni Fr. Vhen. Napakaganda po ng kanyang mensahe, he reminded us na ang ama ng Panginoong Hesus Kristo ay isang karpintero, who was proud of what he did.
“Sumasama raw ang batang Hesus habang gumagawa ang Kanyang ama. The message was love your job, and that’s exactly what we’re gonna do the whole year of 2025.”
Hindi lamang ang set ng Fast Talk with Boy Abunda ang pinalitan dahil bago na rin ang dressing room ni Boy.

Pinalawak din ang holding area ng mga bisitang artista sa kanyang programa sa Kapuso Network na dalawampung minuto na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes nang hapon.
Read: Boy Abunda araw-araw pa ring kinakausap ang namayapang ina