Dalawang karakter ang ginagampanan ni Jillian Ward sa bagong primetime drama series ng GMA-7, ang My Ilonggo Girl, na mapapanood simula sa Enero 13, 2025.
Sa panayam ng Cabinet Files, ikinuwento ng 19-year-old actress na Tata at Venice ang mga pangalan ng dual role niya sa My Ilonggo Girl.
Ito ang follow-up project ni Jillian pagkatapos ng matagumpay na afternoon drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, na tumagal ng mahigit dalawang taon sa ere.
Read: Jillian Ward gains knowledge and investment from Abot-Kamay
Mabait ang karakter ni Tata, samantalang mataray si Venice.
Sinabi ni Jillian sa Cabinet Files na madali para sa kanyang gampanan ang papel ni Tata dahil, sa tunay na buhay, hindi siya marunong magtaray tulad ng ugali ni Venice.
At dahil dalawa ang karakter niya sa My Ilonggo Girl, inamin ni Jillian na nahihirapan siyang kumawala sa magkaibang-magkaibang katauhan nina Tata at Venice.

Saad niya, “Ito pong role ko ngayon, dalawa po yung characters ko so challenging po siya for me. Gusto ko pa pong mas i-push pa ang sarili ko.
“Also, gusto ko rin pong magkaroon ng work-life balance talaga.
"Mas ma-manage ko yung work-life balance ko, lalo po ngayon na hindi na ako teenager next month.”
Read: Jillian Ward speaks up on malicious speculations about her
BETTER RELATIONSHIP WITH GOD
Gusto rin daw ni Jillian na pagyamanin ang relasyon niya sa Panginoong Diyos.
Paliwanag niya: “Gusto kong mas maging center pa si God. Last year, parang… well, I always pray. I always go to church after tapings.
"Pero may times talaga na nagda-doubt ako sa sarili ko. Nagda-doubt ako sa Kanya, kay Lord. So, sabi ko, parang mali po yon.
“So this year, gusto ko talagang mawala yung doubts ko, yung fears ko, kasi alam ko na He’s protecting me and guiding me.”
Napangiti si Jillian nang punahin ng Cabinet Files ang kanyang payat na pangangatawan.
Tila may kinalaman pa rin sa nabawas na timbang ang mga karakter niya sa My Ilonggo Girl pero lalong tumingkad ang kanyang kagandahan.
Malaki ang ipinagbago ng pisikal na kaanyuan ni Jillian na maaaring epekto rin ng bagong hairstyle niyang bumagay sa kanya.
Read: Jillian Ward: "Minsan nakakalimutan ko na artista ako."