PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arnold Clavio, nag-react sa teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma

Arnold Clavio: “Nagpapa-kontrobersya ang nasa likod ng pelikula..."
by Jojo Gabinete
Published Jan 3, 2025
arnold clavio gina alajar
Arnold Clavio on The Rapists of Pepsi Paloma: "Nagpapa-kontrobersya ang nasa likod ng pelikula at ang pag-iingay na ito ay malinaw na paghingi ng simpatiya."
PHOTO/S: @akosiigan on Instagram / Darryl Yap Facebook

Marami ang nagimbal sa nakagugulat na teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma na in-upload ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap sa Facebook noong mismong Bagong Taon, Enero 1, 2025.

Direktang binanggit ang pangalan ni "Vic Sotto" sa eksena nina Gina Alajar at Rhed Bustamante.

Read: Darryl Yap nag-ingay agad with The Rapists of Pepsi Paloma teaser

Si Gina ang gumaganap na beteranang aktres na si Charito Solis, na pumanaw noong January 9, 1998.

Si Rhed naman ang nagbigay-buhay kay Pepsi, na winakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti noong Mayo 31, 1985.

Nagkasama sina Charito at Pepsi sa 1984 movie na Naked Island.

Nais marinig ng publiko ang paliwanag ni Gina tungkol sa pagpayag nitong sambitin sa eksena ng pelikula ang kontrobersiyal na linyang ito: “Pepsi, sumagot ka! Ni-rape ka ba ni Vic Sotto?”

gina alajar rhed bustamante the rapists of pepsi paloma
Gina Alajar and Rhed Bustamante from the controversial teaser of The Rapists of Pepsi Paloma
Photo/s: Darryl Yap Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARNOLD CLAVIO REACTS TO THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA TEASER

Isa ang veteran broadcast journalist na si Arnold Clavio sa mga kilalang personalidad na nagkomento tungkol sa teaser na napanood nito,

Ibinahagi niya ang opinyon sa kanyang mga social media account.

Naka-tag dito ang Instagram account na @vicsottoofficial, na hindi pa kumpirmado kung verified account ng veteran comedian-TV host.

Mahabang saad ni Arnold, published as is: “EHEM: Inilabas na ang trailer or teaser ng pelikula na The Rapist of Pepsi Paloma para sa taong 2025.

“At dito ay matapang na binanggit ang pangalan ni Bossing @vicsottoofficial bilang ‘rapist’ ng nagbigting dating bold star na si Pepsi Paloma o Delia Smith sa totoong buhay.

“Puwedeng magtago sa artistic freedom ang direktor pero hindi sa mga umiiral na batas. Maliban kung may public record ang korte batay sa akusasyon. Baka iyon ang intensyon, ang manggulat!

“Ilang dekada nang binubulabog ang Pilipino ng isyung ito. Tuwing may malalaking mga problema ang isyung ito ay laging panligaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero tanda ko, sa panayam ni @juliusbabao kay Coca Nicolas, kaibigan ni Pepsi, na ang rape issue ay ‘gimik’ at gawa-gawa lamang ng kanilang manager — ang namayapang si Dr. Rey Dela Cruz."

Read: Former bold star Coca Nicolas nagsalita tungkol sa nalalaman niya sa Pepsi Paloma controversy

Pagpapatuloy ng Kapuso broadcaster (published as is): “Dalawang Sotto ang tumatakbo sa Eleksyon 2025. Si former Senate President Tito Sotto, kapatid ni Vic at si Mayor Vico Sotto ng Pasig City, anak ni Vic kay aktres na si Connie Reyes.

“Nagpapa-kontrobersya ang nasa likod ng pelikula at ang pag-iingay na ito ay malinaw na paghingi ng simpatiya.

“Dahil malabo itong mapayagan ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na may hayagang paninirang puri o defamation Sino ang source of information ng eksenang napanood? O ito ba ay bahagi ng isang panaginip ng mga karakter?

“Huwag nating kalimutan na ang Chairman at CEO ngayon ng MTRCB ay walang iba kundi si Lala Sotto-Antonio, anak ni Titosen at pamangkin ni Vic.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tandaan, sa mundong ginagalawan natin hindi dapat mawala ang respeto sa kapwa at pagiging disente May mga norms at ethics na dapat sundan.”

Read: Titulong The Rapists of Pepsi Paloma, aprubahan kaya ng MTRCB?

View this post on Instagram

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan)

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnold Clavio on The Rapists of Pepsi Paloma: "Nagpapa-kontrobersya ang nasa likod ng pelikula at ang pag-iingay na ito ay malinaw na paghingi ng simpatiya."
PHOTO/S: @akosiigan on Instagram / Darryl Yap Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results