“Belat” ang dalawang beses na reaksiyon ni Vice Ganda sa mga taong bumatikos sa It’s Showtime nang manalo si Sofronio Vasquez, bilang kauna-unahang Asian grand champion, sa 26th Season ng The Voice USA noong Disyembre 10, 2024.
Read: Sofronio Vasquez hailed as first Asian winner of The Voice USA
Si Sofronio ay tatlong beses naging contestant ng "Tawagan ng Tanghalan" ng It’s Showtime, pero hindi pinalad magwagi.
Nang magtagumpay siya sa The Voice USA, ang mga bumubuo sa It’s Showtime ang isa sa mga unang bumati sa kanya at tinawag ang mang-aawit bilang “our very own.”
Binatikos ang It’s Showtime ng ilang netizens na nagsabing inaangkin nila si Sofronio dahil grand champion ito sa The Voice USA, pero hindi naman pinanalo nang sumali ito sa Tawag ng Tanghalan.
Read: Sofronio Vasquez credits Tawag ng Tanghalan for The Voice win
SOFRONIO VASQUEZ MAKES A TRIUMPHANT RETURN TO IT'S SHOWTIME
Sa It’s Showtime ngayong Lunes, Enero 6, 2024, espesyal na panauhin nila si Sofronio.

Mainit na pagsalubong mula sa mga host ng programa ang tinanggap niya.
Nang magbigay-pugay ang It’s Showtime hosts kay Sofronio, binanggit ni Vice Ganda ang batikos na tinanggap ng kanilang programa matapos manalo ng singer sa The Voice USA.
Tila sumbong ni Vice kay Sofronio: “Alam mo ba binati ka lang dito ng Showtime, ang dami nang nagtalakan sa Twitter.
"'Ngayon pinapansin ninyo si Sofronio. Ngayon, inaangkin ninyo si Sofronio, kung maka-our very own kayo.’"
“After niyang mag-TNT, kahit hindi siya nagtagumpay dito, he stayed.
"Naging vocal coach siya ng mga contestant ng Tawag ng Tanghalan. Hindi ninyo alam yon kaya talagang pamilya siya kaya..." sabi pa ni Vice, kasunod ang isang belat para sa mga bumatikos sa It’s Showtime.
Read: Sofronio Vasquez: The Hari ng Audition is now The Voice champion

Pagpapatuloy ni Vice, “Pinag-awayan nila yan online! Ako nababasa ko, natatawa ako.
"Ang mga tao kung anu-ano na lang ang pinag-aawayan. Bakit tinatawag na 'our very own.'
"Bakit daw inaangkin. E, ngayon nagsalita si Sofronio...”
Inulit ni Vice ang kanyang pag-belat sa detractors ng kanilang programa.
SOFRONIO AS TNT VOCAL COACH
Pinatotohanan ni Sofronio ang rebelasyon ni Vice sa pamamagitan ng kanyang kuwento na kinuha siya sa It’s Showtime bilang voice coach ng mga contestant ng Tawag ng Tanghalan pagkatapos matalo sa singing competition na sinalihan niya.
Aniya, “Hindi naman po nila alam na hindi po tumigil yung pangarap ko sa kumpetisyon.
"Yung Showtime po ang mismong nagbigay sa akin ng trabaho. Ginawa po akong vocal coach kaya salamat po.”
Tumatanaw ng malaking utang na loob si Sofronio sa It’s Showtime, na itinuturing niyang bahagi ng kanyang tagumpay sa 26th season ng The Voice USA.
Read: The Voice winner Sofronio Vasquez reposts Rey Valera's advice