Mariing kinondena ni Pops Fernandez ang fake Facebook account na gumagamit sa pangalan ng bunsong anak nila ni Martin Nievera na si Ram.
Ginagamit ng pekeng FB account ang pangalan ni Ram Nievera para makapanlinlang at mahikayat ang mga taong bumili ng isang milk product na diumano’y nakapagpapagaling ng mga karamdaman.
Read: Pops Fernandez recounts crucial life moments that taught her valuable lessons about money
Nakasaad sa fake Facebook account ni Ram ang “testimonya" nito tungkol sa pagkakaroon ng brain aneurysm at ang dalawang taong pakikipaglaban sa nabanggit na karamdaman.
Ayon sa nakasaad na testimonya niya umano, gumaling siya dahil sa gatas na natuklasan ni Pops na araw-araw na ipinainom sa kanya.
Walang katotohanan ang mga impormasyong mababasa sa fake Facebook page ni Ram.

POPS FERNANDEZ WARNS PUBLIC AGAINST FAKE FB ACCOUNT
Hiniling at hinihingi ni Pops ang tulong ng mga tao na i-report sa kinauukulan ang fake Facebook account para mahinto na ang panloloko sa kapwa.
Nagbabala si Pops na mapipilitan siyang gumawa ng legal na aksyon kapag hindi tumigil sa panggagamit sa kanyang anak at sa kanilang pamilya ang mga taong nasa likod ng fake Facebook account.
Babala ni Pops: “A fake Facebook account is using my son Ram Nievera’s name and our family photos to scam people and spread false information.
"These posts have caused harm to my family and affected my career and reputation.
“I strongly condemn these actions. My team has already reported and removed some of these accounts, and I ask those responsible to stop using our images and posting false content. If this continues, we will take legal action.
“The safety and well-being of my family are my top priorities, and we will do everything we can to protect ourselves from exploitation or harassment.”
Read: Lady buys laptop from online seller; receives package but "kahoy yung laman"