Walang intensiyon ang seasoned broadcast journalist na si Julius Babao na dungisan ang pagkatao ng pumanaw na King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.
Kaugnay ito ng paratang na hindi niya iginalang ang alaala ni FPJ dahil sa kanyang panayam sa aktres na si Anna Marin.
Si Anna ay nakarelasyon ng namayapang aktor, kung saan mayroon siyang isang anak — ang music producer na si Ronian Poe.
Read: Why DJ Ron Poe did not pursue acting like his parents
Lumikha ng kontrobersiya ang panayam ni Julius kay Anna na mapapanood sa Unplugged YouTube channel ng broadcaster.
Dito ay nagkuwento ang aktres tungkol sa naging relasyon niya sa Philippine cinema icon na binawian ng buhay noong Disyembre 14, 2004.
Ito ay sa kabila ng katotohanang may asawa na si FPJ, ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, nang magkaroon sila ng relasyon.
Kabilang sa nag-react sa interview ni Julius kay Anna ay ang itinuturing na kanang-kamay ni FPJ na si Susan Tagle.
Sabi nito sa kanyang Facebook post: “Will someone please tell Julius Babao to stop using FPJ to gain an audience! It is simply disrespectful.”
Read: Interview ni Julius Babao sa "pangalawang pamilya" ni FPJ, umani ng iba't ibang reaksiyon

JULIUS BABAO STATEMENT
Sa ipinadala niyang pahayag sa Cabinet Files ngayong Lunes ng gabi, Enero 6, 2025, nilinaw ni Julius na hindi intensiyon ng kanyang vlog na sirain ang imahe ni FPJ.
Nag-focus daw ang vlog sa buhay at career ni Anna, at malaking bahagi nito ang pumanaw na King of Philippine Movies.
“It was never our intention to tarnish the image of an icon like FPJ,” paglilinaw at paliwanag ni Julius sa Cabinet Files.
“The vlog speaks for itself. It is a profile of an actress, her life… then and now, which has long been kept from the public.
“She wanted to share her story and she deserves to be heard just like everyone else that I interview in my channel.”
Sa kasalukuyan, mayroon nang 2.4 million views ang ekslusibong panayam ni Julius Babao kay Anna Marin.