PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Black Nazarene devotee Sam Verzosa, nakilahok sa Traslacion 2025

Sam Verzosa, muling sumampa sa andas ng Black Nazarene.
by Jojo Gabinete
Published Jan 10, 2025
sam verzosa traslacion 2025
Sam Verzosa, who has been a Black Nazarene devotee for 16 years, participates in this year's Traslacion along with thousands of Filipinos.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Kabilang ang businessman/TV host/politician na si Sam Verzosa sa libu-libong lumahok sa Traslacion 2025 ng Nuestro Padre Jesús Nazareno.

Alas-onse ng umaga nitong Huwebes, Enero 9, 2025, nang sumampa si Sam sa andas ng Black Nazarene. Hanggang isinusulat namin ang artikulong ito ay hindi pa rin siya bumababa.

Ito raw ang kanyang panata at nakaugaliang gawin sa loob ng labing-anim na taon.

Bukod sa labing-anim na taong debosyon niya sa Black Nazarene, matagal nang miyembro ng Hijos Del Nazareno si Sam kaya magkakasama sila ng grupo nila sa napakahirap na pagsampa sa andas.

Read: Libu-libong deboto ng Black Nazarene, dumagsa sa Traslacion 2025

sam verzosa traslacion 2025
Photo/s: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BLACK NAZARENE DEVOTEE

Sa mabilisang panayam ng Cabinet Files kay Sam, ikinuwento nito ang mga karanasan niya bilang deboto ng imahe na dinarayo sa simbahan ng Quiapo, ang Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno.

Lahad niya: “Hindi naman lingid yon sa kaalaman ng mga tao na pang-16th year ko na po na deboto ng Mahal na Poong Nazareno.

"Yung truck po namin ang nagdadala sa Quirino Grandstand, galing sa Quiapo, ng imahe ng Mahal na Poong Nazareno.

“Truck po ng tatay ko ang ginagamit dahil talagang kami ang tinawagan noon ng Monsignor.

"Simula noon, nakita ko na parang yung Mahal na Poon mismo ang lumalapit sa amin at nagpapaalaala.

“Sa totoo lang, nung unang magdasal ako sa Kanya na, sabi ko, ‘Lord, pagbigyan mo itong dasal ko dahil kapag pinagbigyan Mo ako, talagang mamamanata ako.'

“Ibinigay Niya yung ipinagdasal ko pero nakalimutan ko Siya. Nung nakuha ko yung mga biyaya, nakalimot po ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Sam: “Buti na lang, after eleven months o one year, tumawag po si Monsignor sa tatay ko, hinihiram ang truck namin para dalhin sa Quirino Grandstand ang Mahal na Poon.

“Tinawagan ako ng tatay ko. Sabi niya, ‘Anak, gusto mo bang sumama?’

“Sabi ko, ‘Saan?’

“'Tinawagan tayo ng Quiapo Church para hiramin ang truck natin at dalhin yung Nazareno papunta sa Quirino Grandstand.'

"Kinilabutan ako, yung panata ko, nakalimutan ko at ngayon, yung Diyos na ang lumalapit para ipaalaala yung pangako ko.

“Talagang may divine intervention dahil sa dinami-dami ng may trucks, kami ng tinawagan ni Monsignor.

"So, simula noon, sinabi ko, ‘Lord, pasensya na po, sorry. Hindi na po ako makakalimot sa Inyo.’

"Kaya 16 years na ang pamamanata ko. Hindi lang ito puro hingi dahil mas marami ang pasasalamat sa Kanya.”

Ang iba pang celebrities na deboto ng Black Nazarene ay sina Noli de Castro, Angeline Quinto, McCoy de Leon, at Coco Martin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Traslacion 2025: No climbing on statue base of Black Nazarene

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Verzosa, who has been a Black Nazarene devotee for 16 years, participates in this year's Traslacion along with thousands of Filipinos.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results