PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rochelle Barrameda at akusado sa Ruby Rose murder, nagharap

Positibong kinilala ni Rochelle na ang kaharap na lalaki ay si Lope Jimenez.
by Jojo Gabinete
Published Jan 11, 2025
Rochelle Barrameda, Lope Jimenez
Positibong kinilala ni Rochelle Barrameda (kaliwang larawan) ang lalaking iniharap sa kanya (kanang larawan) ng Quezon City Police bilang si Lope Jimenez, isa sa mga akusado sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Ruby Rose.
PHOTO/S: Screenshot from Rochelle Barrameda-Labarda video

Nakaharap na ni Rochelle Barrameda si Lope Jimenez, isa sa mga akusado sa pag-kidnap at pagpaslang kay Ruby Rose Barrameda-Jimenez, ang kapatid ng aktres.

Naganap ang paghaharap ng dalawa sa Camp Karingal, Quezon City, noong Biyernes, Enero 10, 2025.

Si Ruby Rose ay iniulat na nawawala noong Marso 12, 2007. Natagpuan ang kanyang bangkay na inilagay sa sementadong steel box sa karagatan ng Navotas noong Hunyo 10, 2009.

Read: Family of Ruby Rose Barrameda-Jimenez identifies her remains

arrest of lope jimenez

Dinakip ang suspek na si Lope dahil sa bintang na siya ang utak sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si William Pascaran Sr.

Nawala si Pascaran noong Enero 5, 2025.

Natagpuan ang kanyang walang-buhay na katawan na nakasilid sa drum at nakabaon sa lupa sa isang lugar sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Si Lope—na gumagamit ng mga alias na James Paul Dwight at Victor Vidal Dueña—ang itinuro nina Noel Bañegas Cape at Mervin Juane Armas bilang utak ng pagdukot at pagpatay kay Pascaran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umamin sina Cape at Armas na sila ang pumatay kay Pascaran, kapalit ang PHP100,000 na ibabayad sa kanila ni Lope.

Nadakip sila ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD-CIDU) dahil nakita sa CCTV ng mga bangko ang pagwi-withdraw nila ng pera, gamit ang ATM card ng anak ng biktima.

Nakatanggap ng notification ang anak ng biktima na may nag-withdraw ng pera mula sa kanyang bank account. Nang suriin ang CCTV, ang isang akusado sa pagpaslang at hindi ang tatay niya ang gumamit ng ATM card.

Sina Cape at Armas ang nagturo sa mga pulis sa pinaglibingan ng bangkay ni Pascaran.

Sila rin ang naging susi kaya nahuli si Lope noong Biyernes sa isang fastfood chain sa Mandaluyong City.

Makikipagkita ito sa kanila para ibigay ang PHP100,000 na kabayaran sa pagpatay nila kay Pascaran.

rochelle meets lope

Ilang oras matapos dakpin si Lope, nakatanggap si Rochelle ng tawag sa telepono mula kay General Leo Francisco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Lope ang nakababatang kapatid ni Atty. Manuel Jimenez Jr. at tiyuhin ni Manuel Jimenez III, na pawang mga suspek sa pagpatay kay Ruby Rose.

Si Manuel Jimenez III ang asawa ni Ruby Rose.

Si Lope ang pinaniniwalaan ni Rochelle na pumatay at nagsilid sa kanyang kapatid sa sementadong steel box.

Itinapon ang steel box sa karagatan ng Navotas, pero natagpuan ito dahil sa testimonya ng isang saksi at sangkot din sa krimen.

Habang papunta sa Camp Karingal para kilalanin ang suspek ay nabangga pa ang kotseng sinasakyan ni Rochelle at ng mga kasama nito.

ROCHELLE BARRAMEDA'S ENCOUNTER WITH LOPE JIMENEZ

Ang mga sumusunod ang kuwento ni Rochelle sa Cabinet Files tungkol sa pagkikita nila ni Lope, labingwalong taon matapos ang karumal-dumal na pagpatay kay Ruby Rose.

Read: Rochelle Barrameda identifies accused in sister Ruby Rose murder

“Around 2:30 P.M. noong Friday, I got a call from General Leo Francisco. Ipinapa-confirm niya sa akin kung si Lope Jimenez ang nasa litrato na ipinadala niya sa Viber.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pag-open ko ng message ni Gen. Francisco, sobrang nanlamig ako.

“Tiningnan ko yung dating photo ni Lope. Hindi ako nagdalawang-isip na pumunta sa Camp Karingal to check kung siya nga.

“When I arrived sa QCPD-CIDU, tinanong ng isang officer si Lope kung kilala niya ako.

“Kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat. Mga eight to ten seconds na hindi siya nakapagsalita.

“He denied na kilala niya ako at tinanong pa niya ako kung sino ako, kaya lalo akong nanggigil sa kanya.

“Sinabi ko sa kanya na, ‘Ako lang naman ang kapatid ng pinapatay mo na si Ruby Rose Barrameda.'

“Hindi raw niya kilala at baka nagkakamali lang ako. I told him na panindigan niya na hindi siya si Lope Jimenez.”

Ayon kay Rochelle, pumayat si Lope kaya hindi agad ito makikilala.

Pero aniya, "Yung height at boses, kaparehong-kapareho ng kanyang kapatid na si Atty. Manuel Jimenez Jr."

Napansin ding tila nagbago ang hugis ng ilong ni Lope na nanindigan na Victor Vidal Dueñas ang kanyang pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
lope jimenez then and now
(Left) Lope Jimenez photo in 2007; (right) Lope Jimenez photo in 2025
Photo/s: Files

Hindi pinaniwalaan ni Rochelle ang alibi ni Lope.

Mariing pahayag ng aktres: “Wala na siyang kawala. Panahon na para pagbayaran niya ang mga kasalanan niya.

“We are so thankful na sa tagal na ipinagdarasal namin na mahuli siya, dumating na ang panahon na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napaiyak ako sa pasasalamat at ito na sana ang maging simula ng pag-usad ng kaso ni Ruby Rose.

"May isa pa kaming hinihintay: ang ma-resolve na ng Court of Appeals ang parricide case against her husband Manuel Jimenez III.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Positibong kinilala ni Rochelle Barrameda (kaliwang larawan) ang lalaking iniharap sa kanya (kanang larawan) ng Quezon City Police bilang si Lope Jimenez, isa sa mga akusado sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Ruby Rose.
PHOTO/S: Screenshot from Rochelle Barrameda-Labarda video
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results