PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Gutierrez naranasang mag-incognito sa pampublikong lugar

Richard: “Actually, parang incognito nga yung past time ko."
by Jojo Gabinete
Published Jan 11, 2025
Richard Gutierrez
“Dahil siguro nga I grew up being in the limelight, ang family ko is part of showbiz. I enjoy my privacy, my private time being a regular guy on the road like when I’m riding a motorcycle, I enjoy that,” saad ni Richard Gutierrez tungkol sa isa sa mga pagkakataong nagpaka-incognito siya.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Mabuting kalusugan para sa kanyang pamilya at mga kaibigan ang panalangin ni Richard Gutierrez na magdiriwang ng kaarawan sa Enero 21, 2025.

Kasama rin sa mga dasal ni Richard na lumaking mabubuting mamamayan at may takot sa Panginoong Diyos ang kanyang mga anak niya na sina Zion at Kai.

“My birthday prayers for my kids is for them to grow up as fine young gentlemen and God fearing.

“And good health for my parents, my brothers, my sister,” pahayag ni Richard sa pakikipag-usap niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Read: What to expect from Maris Racal, Anthony Jennings in Incognito

INCOGNITO

Itinuturing naman ni Richard na regalo niya para sa manonood ang nalalapit na pagpapalabas sa Netflix ng Incognito, ang bagong action-drama series ng ABS-CBN na pinangungunahan nila ni Daniel Padilla.

“Early birthday present ko ito para sa lahat ng manonood natin. At the same time, parang birthday celebration ko na rin,” sabi ni Richard tungkol sa Incognito na mapapanood sa Netflix simula sa Enero 17, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jose Bonifacio na pinagsamang pangalan at apelyido ng mga bayaning sina Dr. Jose Rizal at Gat Andres Bonifacio ang pangalan ng karakter na ginagampanan ni Richard sa Incognito.

Mapapansin ding initials ng mga pangalan ng mga screen action hero na sina James Bond at Jason Bourne ang pangalang Jose Bonifacio.

Bakit Incognito ang pamagat ng action-drama series na kanyang pinagbibidahan?

Sagot ni Richard, “Good question. Originally ang title dapat is Kontraktualista. Maganda siya pero parang mahirap tandaan.

“Nag-try kaming magtanong, kumuha ng ideas at comments. Mahirap na i-hashtag ang original title, mahirap banggitin. So they insisted to change it to something na mabilis maintindihan."

Marami nga ang nagre-react sa trailer ng Incognito. Maganda raw, exciting.

“Talagang tinrabaho namin dahil alam namin na ipalalabas sa Netflix at gusto natin na makipag-compete sa ibang bansa. We’re doing the best we can.”

Read: Ian Veneracion, ano ang reaksiyon sa Maris-Anthony issue?

ACTION SCENES

Naranasan ni Richard na magkaroon ng mga pasa at galos sa kanyang mga maaaksyong eksena sa Incognito pero tinanggap niya nang maluwag sa kalooban dahil sa kagustuhan na mapaganda nang husto ang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dito sa Incognito, mas more on tactical, so more on movements. Siguro ang delikado, yung mga blasting, yung effects. Hindi maiiwasan na matatalsikan ka sa mukha, mga pasa, galos pero normal na.

“Ako ang dami ko palaging pasa o galos sa fight scenes pero part kasi iyon.

“Ginawa ko na yung martial arts before, so parang refresher siya sa akin. Parang sharpening the tools.

“Sanay ako sa left hand kasi lefty ako, so ang ginawa ko Incognito, nag-training ako with my right hand. Challenge sa akin yun kasi first time ko na gagamit ng knife with the right hand.

“Ginawa ko rin yun for the role kasi I shoot a gun with my left hand so I can do gun and knife at the same time sa action scenes.”

Read: Baron Geisler, ipinalit kay Enrique Gil sa Incognito cast?

RICHARD GOES INCOGNITO IN REAL LIFE

At dahil Incognito ang pamagat ng kanyang bagong proyekto, may pagkakataon bang sinubukan niya na maging incognito para makapunta sa mga pampublikong lugar bilang isang normal na tao?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Actually, parang incognito nga yung past time ko. Kapag nagmo-motor ako, naka-helmet ako. I am just another guy on the road.

“Incognito yun, walang nakakakilala sa akin. Unless I remove my helmet sa isang gas station.

“And then camping. When I go camping, I’m in the middle of nowhere with my close friends and family. May pagka-incognito rin.

“Dahil siguro nga I grew up being in the limelight, ang family ko is part of showbiz. I enjoy my privacy, my private time being a regular guy on the road, like when I’m riding a motorcycle, I enjoy that,” lahad ni Richard.

Nasubukan na rin daw niyang magpanggap para malayang makapaglakad sa kalye.

“Yung pagpunta sa malls, medyo mahirap dito sa Philippines.

“Naranasan ko nang mag-disguise nung pandemic dahil, di ba, nauso yung face shields? Naglalakad ako kung saan-saan.

“Di ba, may tinted face shields noon? So, naka-mask ako, naka-shades ako at face shield. Enjoy na enjoy ako, ang saya. Mainit nga lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Dahil siguro nga I grew up being in the limelight, ang family ko is part of showbiz. I enjoy my privacy, my private time being a regular guy on the road like when I’m riding a motorcycle, I enjoy that,” saad ni Richard Gutierrez tungkol sa isa sa mga pagkakataong nagpaka-incognito siya.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results