PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Labi ng asawa ni Dina Bonnevie na si DV Savellano nasa Ilocos na

Malungkot ang naging pagsalubong kay DV ng mga kababayan nito.
by Jojo Gabinete
Published Jan 12, 2025
Dina Bonnevie arrives at Cabugao, Ilocos Sur.
Dumating na sa Cabugao, Ilocos Sur si Dina Bonnevie sakay ng helicopter kunsaan lulan din ang mga labi ng kanyang asawang si Department of Agriculture Undersecretary Deogracias Victor “ DV” Savellano. Kasunod ni Dina habang naglalakad tungo sa mga kababayan ng kanyang asawa ay ang larawan nito na dala ng isa sa mga aide nila.
PHOTO/S: Screengrab from Kabsat Channel Facebook

Malungkot na sinalubong ng mamamayan ng Cabugao, Ilocos Sur, ang pagdating sa kanilang bayan ng bangkay ni Department of Agriculture Undersecretary Deogracias Victor “ DV” Savellano.

Si Savellano ang asawa ng multi-awarded actress na si Dina Bonnevie.

Read: Politician DV Savellano, husband of Dina Bonnevie, dies

Sakay ng isang helicopter, iniuwi ni Dina ang mga labi ng kanyang asawa sa bayan nito ngayong Linggo ng umaga, Enero 12, 2025.

Helicopter carrying remains of DV Savellano
Ang helicopter na naglulan sa mga labi ni Department of Agriculture Undersecretary Deogracias Victor "DV" Savellano.
Photo/s: Screengrab from Kabsat Channel Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumalubong at nagbigay-pugay sa pumanaw na undersecretary ang mga opisyal at miyembro ng pulis ng Ilocos Sur.

Binawian ng buhay si Savellano sa Makati Medical Center dahil sa abdominal aneurysm noong Enero 7, 2025.

Siya ay 65.

Ibinurol ang mga labi ni Savellano sa Aeternitas Chapels & Columbarium, Commonwealth Avenue, Quezon City, mula Enero 8 hanggang Enero 11 bago siya dinala ngayon sa Cabugao, Ilocos Sur.

Ibuburol ang mga labi ni Savellano sa kanilang tahanan sa Cabugao.

Nakatakda siyang ilibing sa Cabugao Cemetery sa Enero 17, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DV SAVELLANO COMES HOME TO ILOCOS SUR

Mahal na mahal si Savellano ng kanyang mga kababayan na matagal niyang pinagsilbihan bilang gobernador at bise-gobernador ng Ilocos Sur.

Naging House Representative din siya ng unang distrito ng Ilocos Sur at vice-mayor ng Cabugao.

Marami sa mga kasamahan ni Dina sa entertainment industry ang nakiramay sa aktres na nabiyuda, dalawampung araw bago ang kanyang kaarawan sa Enero 27.

Ngayong Linggo, Enero 12, ang kaarawan ng anak ni Dina na si Oyo Sotto, ang araw ring iniuwi sa Cabugao, Ilocos Sur, ang mga labi ng kanyang namayapang asawa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dumating na sa Cabugao, Ilocos Sur si Dina Bonnevie sakay ng helicopter kunsaan lulan din ang mga labi ng kanyang asawang si Department of Agriculture Undersecretary Deogracias Victor “ DV” Savellano. Kasunod ni Dina habang naglalakad tungo sa mga kababayan ng kanyang asawa ay ang larawan nito na dala ng isa sa mga aide nila.
PHOTO/S: Screengrab from Kabsat Channel Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results