Ipinagdiwang ni Diana Zubiri at ng kanyang mga business partner ang ika-limang anibersaryo ng PH-Celebrity 2, ang talent management agency ng DKSA Productions na itinatag nila noong 2020, panahon ng pandemya.
Ginanap ang fifth anniversary celebration sa Hilton Manila noong Linggo, Enero 12, 2025.
Dumalo sa pagtitipon ang mga talent ng PH-Celebrity 2 at ang co-stars ni Diana sa Mga Batang Riles — sina Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Antonio Vinzon, Desiree del Valle, at Ynez Veneracion, at ng mga direktor na sina Richard Arellano at Ralph Malabunga.
Read: TV Ratings: Mga Batang Riles, kumasa ba sa Batang Quiapo?
Sa panayam kay Diana, sabi niya, “Ngayon lang po kami nakapag-celebrate dahil nagsimula kami during the pandemic, so ngayon naman po ang giving back namin.”
Nagpasalamat si Diana sa mga co-star niya sa Mga Batang Riles na nagpaunlak sa kanyang imbitasyong maging bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng kompanyang inumpisahan nila ng asawa niyang si Andy Smith at ng kanilang mga business partner na sina Marc Karson Bundalian at Shirley Baltazar.
Read: Diana Zubiri, one-month vacation na-extend dahil sa projects
DIANA ZUBIRI ON MGA BATANG RILES BOYS
Pinasalamatan din niya ang publiko na tumatangkilik sa kanilang primetime action-drama series na napapanood sa GMA-7 simula pa noong Enero 6, 2025.
“Sana po magtulu-tuloy ang magandang ratings ng Mga Batang Riles, siyempre dahil sa mga poging boys na to.
“Nakikita ko po na magtatagal sila sa industry kasi very professional sila, mababait. Bihira ang mga katulad nila na nagbibigay ng suporta sa co-stars nila,” pahayag ni Diana.
Ikinatuwa nina Kokoy, Bruce, at Antonio ang naging pahayag ni Diana.
“Kilig ako,” sabi ni Kokoy.
Ayon kay Bruce, “Nagpapasalamat ako sa magagandang feedback sa amin sa Mga Batang Riles.
"Saka paganda nang paganda ang story. Nae-excite po kami sa mga mangyayari pa."
Deklarasyon naman ni Antonio, “Grabe po yung experience, marami akong natutunan. Maraming leksiyon na nangyari sa buhay ko,”
Sixteen years old pa lamang si Antonio. Dahil menor de edad, sinamahan siya sa event ng ama niyang si Roi Vinzon na matiyagang naghintay sa kanya.
Read: Antonio Vinzon bags lead role in GMA-7’s Mga Batang Riles