Anim na taon na ang nakalilipas mula nang mag-aral at natuto si Willie Revillame magpalipad ng helicopter noong 2019.
Sa tuwing nagpapalipad ng helicopter si Willie, palagi siyang may kasamang co-pilot.
Pero noong Linggo, Enero 12, 2025, sinubukan niyang lumipad nang solo sa kauna-unahang pagkakataon.
Read: Willie Revillame, hindi totoong ipinagbili ang Cavite mansion at yate kay Tony Co
Pumunta si Willie sa private resort niya sa Puerto Galera nang walang kasamang co-pilot.
Isa itong malaking achievement para sa sa TV host.
“Thirty-five minutes ang biyahe ng chopper mula sa Manila hanggang sa Puerto Galera,” kuwento ni Willie, na pumayag ibahagi sa Cabinet Files ang video ng solo niyang pagpapalipad sa isa sa dalawang helicopters na pag-aari niya.
Read: Willie Revillame, PHP1B ang halaga ng bagong property sa BGC
WILLIE TO MOMENTARILY STOP HOSTING WIL TO WIN
Kandidato si Willie bilang senador sa halalan sa Mayo 12, 2025.
Kaugnay nito, kinumpirma niyang isang buwan na lamang siyang mapapanood sa Wil To Win, ang game at public service program ng TV5, pero magpapatuloy sa telebisyon ang kanyang programa.
Sa Pebrero 10 ang huling araw ng paglabas niya sa nabanggit na programa.
Read: Willie Revillame, posible pa ring magbago ang isip
Nakatakdang mag-anunsiyo si Willie sa mga susunod na araw tungkol sa showbiz personality na pansamantalang papalit sa kanya bilang host ng Wil To Win.
Pero bago ang kanyang pansamantalang pamamaalam sa Wil To Win, dadalhin ni Willie sa Cebu, Aklan, at Iloilo ang programa niya.
Sa bisperas ng Sinulog Festival sa Enero 18, magtatanghal si Willie sa Fuente Osmeña Circle, Cebu.
Susundan ito ng pagtatanghal niya sa Ati-Atihan Festival sa Magsaysay Park, Kalibo, Aklan, sa Enero 21.
Nakatakda naman sa Enero 26 ang live show ng Wil To Win sa Dinagyang Festival ng Iloilo, at magaganap ito sa Freedom Grandstand.
Read: Willie Revillame, nagreklamong nahihirapan na sa Wil To Win
Notice: This article falls under promotional material for a politician's candidacy.