PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rochelle Barrameda, naninindigan sa katauhan ni Lope Jimenez

Rochelle Barrameda, may ebidensiya laban kay Lope Jimenez.
by Jojo Gabinete
Published Jan 13, 2025
rochelle barrameda vs lope jimenez
Actress Rochelle Barrameda maintains claim that Victor Duenas (right) and Lope Jimenez (inset) are one and the same person.
PHOTO/S: Rochelle Barrameda Labarda Facebook / File

Hindi nagbabago ang paniniwala ng aktres na si Rochelle Barrameda na iisang tao lamang sina Victor Vidal Dueñas at Lope Jimenez.

Si Dueñas ay dinakip ng Quezon City Police District-CIDU sa Mandaluyong City noong Biyernes, Enero 10, 2025, dahil sa pagdukot at pagpaslang sa negosyanteng si William Pascaran Sr.

Isinilid ang bangkay ni Pascaran sa drum at ibinaon sa isang lugar sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Read: Rochelle Barrameda identifies accused in sister Ruby Rose murder

Si Jimenez naman ay isa sa mga akusado sa pagpatay sa kapatid ni Rochelle na si Ruby Rose Barrameda noong Marso 2007.

Isinilid ang bangkay ni Ruby Rose sa sementadong steelbox at itinapon sa karagatan ng Navotas.

Natagpuan ang bangkay ni Ruby Rose noong Hunyo 2009.

Read: Family of Ruby Rose Barrameda-Jimenez identifies her remains

Sa pakikipag-usap ng Cabinet Files kay Rochelle ngayong Lunes ng gabi, Enero 13, inulit niyang nagsisinungaling si alias Dueñas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay sa gitna ng mariin at patuloy na pagtanggi ni Dueñas na siya si Jimenez.

lope jimenez victor duenas
Lope Jimenez (left) and alias Victor Duenas (right)
Photo/s: File / Quezon City CIDU

ROCHELLE'S EVIDENCE AGAINST DUENAS/JIMENEZ

Ang handwritten letter mula sa abogado ni Dueñas, na dumalaw sa suspect sa Camp Caringal, Quezon City, noong Biyernes, Enero 11, ang isa sa mga ebidensiyang ginamit ni Rochelle bilang patunay na totoo ang kanyang hinala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad sa sulat ng abogado ng akusado: “The herein undersigned, Atty. Ronald C. Ching, the retained lawyer of Mr. Lope Jimenez presently detained at Q.C. CIDU hereby express my wish to visit my client Mr. Lope Jimenez.”

May lagda ng abogado ang sulat na ginawa nito noong Enero 10 nang dalawin niya ang akusado. Pero imbes na 2025, 2024 ang kanyang nailagay na petsa.

"Lope Jimenez" din ang pangalang isinulat ng abogado at hindi "Victor Dueñas," tulad ng pilit na iginigiit ng kliyente niya.

Read: Rochelle Barrameda at akusado sa Ruby Rose murder, nagharap

lope jimenez lawyer letter
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa sumunod na araw na pagdalaw ni Ching sa akusado, "Victor Dueñas" na ang pangalang kanyang isinulat sa visitor’s log book.

Kaugnay nito, nagkomento si Rochelle: “Sino po ba talaga ang kliyente nyo po Atty? Si Lope po ba o si Victor po? Naguluhan po ako!”

Sa mga panayam sa akusado, nanindigan itong “Kahawig ko lang yan! Di ako si Lope… di ko nga kilala yan eh!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi ni Rochelle sa Facebook page nito ang sulat ng abogado, pati na ang account number at pangalan ni Jimenez na nakasulat sa dahon ng laurel na nakuha raw mula sa pitaka ni alias Dueñas.

“May Lope Jimenez pa rin?!?! Grabe na ito!!!” sabi ni Rochelle.

Nakatitiyak si Rochelle na nagsisinungaling si alias Dueñas, na tila naniniwala sa pamahiing nagdadala ng tagumpay, suwerte, at kaligayahan ang mga nag-iingat ng dahon ng laurel kaya dito niya isinulat ang mga pangalan at account number nina Dueñas at Jimenez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, maaaring nagbago na ang paniniwala ng akusado na hindi masuwerte ang dahon ng laurel, na nagpahamak sa kanya dahil maaari itong gamiting katibayan para mapatunayang iisang tao lamang sina Dueñas at Jimenez.

Read: Suspects in Ruby Rose Barrameda murder all acquitted

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Rochelle Barrameda maintains claim that Victor Duenas (right) and Lope Jimenez (inset) are one and the same person.
PHOTO/S: Rochelle Barrameda Labarda Facebook / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results