PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BB Gandanghari, nag-aaral magluto para sa kanyang future family

BB Gandanghari, nanghihinayang na di lubusang nakilala si Royette Padilla.
by Jojo Gabinete
Published Jan 15, 2025
bb gandanghari fast talk
BB Gandanghari on learning how to cook: “Nagsasanay talaga ako. Minsan kunwari, iniisip ko, 'Mga anak, ready na tayong kumain. Tawagin ninyo na si Daddy.’ Para akong luka-luka, pero ganun yung mental state ko.”
PHOTO/S: JP Aspa / GMA Network

Matunog na halakhak at "Guilty!" ang reaksiyon ni BB Gandanghari sa tanong ni Boy Abunda kung guilty o not guilty ba siya sa pagkakaroon ng ex-boyfriend na aktor.

Hindi man nagbanggit ng pangalan si BB, may ideya na ang publiko sa katauhan ng aktor na naging karelasyon niya noon.

Read: BB Gandanghari details romantic encounter in San Francisco of Rustom Padilla and a famous actor

Sa guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Martes, Enero 14, 2025, sinabi ni BB na handa siyang magmahal, may nagpapakilig ngayon sa kanya, at mas nakatatanda at walang kinalaman sa showbiz ang nais niyang makarelasyon.

Idinagdag pa ni BB na nagsasanay na siyang magluto para sa maraming tao bilang paghahanda sa pinapangarap niyang pagkakaroon ng sariling pamilya.

“Nagsasanay talaga ako. Minsan kunwari, iniisip ko, 'Mga anak, ready na tayong kumain. Tawagin ninyo na si Daddy.’

“Para akong luka-luka, pero ganun yung mental state ko,” kuwento ni BB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: BB Gandanghari, nanibago sa pagbabalik-showbiz after seven years

FULL-TIME STUDENT IN THE U.S.

Hindi raw nagmamadaling pumasok sa relasyon si BB sa kasalukuyan dahil ang pag-aaral ang binibigyan niya ng importansiya.

“I think I am ready to mingle, but hindi ko rin naman minamadali.

"Steady lang ako kasi, unang-una, parang I don’t know if I am actually ready for a serious relationship because I am in the middle of itong pag-aaral and everything," sabi ni BB.

Ayon pa sa kanya, “I am taking up Bachelor of Science in Entertainment Business Management.

“I wanna be a creative producer and a creative director. That’s also the reason why I went back to school.

"Kasi part yon ng sinasabi kong mahirap sa transition because when I started transitioning, yung potensiyal ni Rustom, wala na lahat yon.”

Ang tinutukoy ni BB na "Rustom" ay ang dati niyang katauhan na si Rustom Padilla, bago siya nagdesisyong maging trans woman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagiging full-time student ni BB sa Amerika ang nag-udyok kay Boy para magtanong kung ano ikinabubuhay ni BB.

Saad niya, “There was a time parang working student ako, pero umabot sa point na hindi ko na kaya so I stopped.

“Medyo galing lahat sa saving kaya nag-aral na ako bago pa maubos ang lahat. Nag-aral na ako….”

Read: Showbiz history: The coming-out story of BB Gandanghari

BB ON LATE BROTHER ROYETTE

Nabahiran ng lungkot ang pag-uusap nina Boy at BB nang mabanggit si Royette Padilla, ang nakatatandang kapatid nina BB at Robin Padilla na pumanaw noong Enero 2021.

Read: Royette Padilla, 58, dies of heart attack

“The brother that I never had," pagsasalarawan ni BB kay Royette.

Royette Padilla, celebrity deaths 2021
Royette Padilla
Photo/s: BB Gandanghari YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag niya: "Parang hindi ko siya nakilala bilang yung tao na hindi kuya, kundi tao. Kung anong klase siyang tao.

"Hindi kami nakapag-usap ng tungkol sa mga aspirations niya, frustrations niya. We never went that far.

“I wish I could… hindi ko kasi masabi kung ano, pero ang gusto kong sabihin is sana magkaroon tayo ng pagkakataong magkakuwentuhan.

"Gusto ko siyang makakuwentuhan actually. Usap lang… usap lang."

Dagdag pa ni BB, "Kasi yun ang pinakamasakit na nangyari sa akin nung pandemic.

“It hurt me so hard kasi naka-Zoom ako habang wake and all. Hanggang nung libing, nandun ako sa Zoom.

“Pagkatapos ng libing, all of a sudden, wala akong mayakap. Ang sakit, wala akong mahawakan.

"Dun ko naramdaman yung, 'Oh, my God ganito kasakit.'

“Hindi ako nagkaroon ng proper goodbye. Up to the last minute, wala akong moment sa kanya na just to be with us.”

Read: BB Gandanghari visits grave of late brother Royette Padilla

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari on learning how to cook: “Nagsasanay talaga ako. Minsan kunwari, iniisip ko, 'Mga anak, ready na tayong kumain. Tawagin ninyo na si Daddy.’ Para akong luka-luka, pero ganun yung mental state ko.”
PHOTO/S: JP Aspa / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results