PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bruce Roeland, not on good terms ang hiwalay na mga magulang

Bruce Roeland, tanggap na di na magkakasundo ang kanyang mga magulang.
by Jojo Gabinete
Published Jan 15, 2025
bruce roeland on parents
Bruce Roeland on his separated parents: “Hindi talaga sila okay pero thankful ako dahil gusto ng mom ko na pumunta ako sa dad ko. Ang gusto naman ng dad ko, kasama ko ang mom ko. So, kahit hindi sila okay, iniisip nila ako.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Nagsalita nang tapos si Bruce Roeland na malabong magkasundo at maging magkaibigan ang kanyang mga naghiwalay na magulang na sina Michel Roland at Yolanda Nablo.

Sa panayam ng Cabinet Files kay Bruce, ipinagtapat nitong matindi ang galit ng kanyang ina sa Belgian father niya.

Ito ang katotohanang dahan-dahang tinatanggap ng aktor na isa sa mga bida sa Mga Batang Riles, ang action-drama series ng GMA-7.

Read: Diana Zubiri, puring-puri ang Mga Batang Riles boys

“Mas galit si Mama,” sabi ni Bruce tungkol sa malalim na hidwaan ng kanyang mga magulang.

“Ang nangyari kasi, it’s between him and my mom. Saka umalis siya [Bruce's dad] ng Pilipinas nung mamatay ang dad niya. Yun ang last na pag-uusap namin.

“Hindi talaga sila okay pero thankful ako dahil gusto ng mom ko na pumunta ako sa dad ko. Ang gusto naman ng dad ko, kasama ko ang mom ko.

"So, kahit hindi sila okay, iniisip nila ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
bruce roeland mother
Young Bruce Roeland with his mother Yolanda Nablo
Photo/s: Facebook

Tinanong ng Cabinet Files kay Bruce ang dahilan ng malalim na galit ng kanyang ina sa tatay niya.

Sagot ng Kapuso hunk, “Siyempre may mga iniisip siyang ginawa ng dad ko kaya umalis siya. Hindi niya matanggap na bigla akong iniwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Growing up, dream ko na magkasundo sila. Pero little by little, tinatanggap ko na hindi na yon mangyayari kasi may girlfriend na rin ang daddy ko.”

Read: Hubadero 2024 Yearender: Male Celebrities Who Dared To Bare

BRUCE REMAINS BEST FRIENDS WITH HIS BELGIAN FATHER

Inamin ni Bruce na nagtanim siya ng sama ng loob sa tatay niya dahil sa pag-abandona nito sa kanya.

Pero nang magpunta siya sa Belgium noong Disyembre 2022 para magkita sila, makaraan ang mahabang panahong pagkakahiwalay, nawala ang galit na nararamdaman niya.

bruce roeland father
Bruce Roeland and dad Michel Roeland
Photo/s: Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya, “Galit na galit ako sa dad ko. Pero nung makita ko siya sa airport, nawala ang lahat ng galit ko. I forgave him already at naging okay naman kami.

“Growing up, sobrang close namin. Parang more on best friend ko siya.

"Kaya even nung iniwanan niya ako after eight years, nung bumalik ako sa Belgium, hindi ko alam kung bakit, pero I forgave him agad.

"Hanggang ngayon, mag-best friend kami."

Read: Male cast ng horror movie na 'The Vigil' kuwela ang sagot sa tanong na "Are you still a virgin?"

Hindi natupad ang pangarap ni Bruce na pumasok sa military dahil pinigilan siya ng kanyang ama.

“Hinahangaan ko talaga ang dad ko na isang military man. And my family history, lahat sila military.

“Growing up, I have two choices — either to be a military man or to be a professional football player.

"Pinili ko yung football kasi ayaw rin ng dad ko na pumasok ako sa military dahil naranasan niya ang lahat ng mga war. War sa Afghanistan, sa Lebanon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, ayaw niyang mangyari sa akin yon. Hanggang mapunta ako sa Pilipinas, naging acting ang gusto ko.”

Read: Bruce Roeland considers it "a blessing" to be part of a sitcom top-billed by Vic Sotto

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bruce Roeland on his separated parents: “Hindi talaga sila okay pero thankful ako dahil gusto ng mom ko na pumunta ako sa dad ko. Ang gusto naman ng dad ko, kasama ko ang mom ko. So, kahit hindi sila okay, iniisip nila ako.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results