Tinanggal sa serbisyo at hindi na papayagang makapaglingkod sa lahat ng sangay ng SM Supermalls ang security guard na nakunan ng video na ginamitan ng dahas ang isang batang babae na sampaguita vendor.
Sa kumalat na video, makikitang pinapaalis ng security guard ang sampaguita vendor na nakasuot ng school unform sa lugar na nasasakupan ng SM Megamall sa EDSA, Mandaluyong City.
Hinablot ng security guard ang tindang sampaguita ng batang babae at tinanggal ang mga bulaklak mula sa pagkakatali nito.
Pagkatapos nito ay mapapanood ang ilang beses na paghampas ng sampaguita vendor sa security guard, at ang pag-awat ng security guard na sa isang punto ay makikitang sinipa ang batang babae.
Read: Fernando Zobel de Ayala praised for kindness toward aspins
SM SUPERMALLS STATEMENT
Naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng SM Supermalls tungkol sa video na kumalat sa social media noong Miyerkules, Enero 15, 2025.
Mariing kinondena ng pamunuan ng SM Megamall ang pangyayari at ipinahayag nila ang pakikisimpatiya sa sampaguita vendor.
Nakasaad sa kanilang statement: “We regret and sympathize with the young girl who experienced an unfortunate incident outside our mall.
“We have called the attention of the security agency to conduct an immediate and thorough investigation.
“The Security Guard has been dismissed and will no longer be allowed to service any of our malls.
“As SM Supermalls always promotes inclusivity for all, we strongly condemn this act committed against her.”

NETIZENS REACT
Umani ng sari-sari at magkakahating opinyon mula sa publiko ang insidente —may mga nakikisimpatiya sa sampaguita vendor at sa security guard..
May mga haka-hakang maaaring napikon na ang security guard sa pagpapaalis sa sampaguita vendor, na matapang na lumaban dahil pinaghahampas niya ito ng mga hawak na sampaguita.
May mga nagdududang baka biktima o ginagamit ng sindikato ang bata dahil sa kakaibang tapang na ipinamalas nito.
May mga nagsabi ring marahas ang desisyong tanggalin sa trabaho ang security guard dahil may pamilya rin itong binubuhay.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens tungkol sa nag-vira; na insidenteng ito:





Kailangan ng malalim at malawakan na imbestigasyon, hindi lamang ng pamunuan ng SM Supermalls kundi ng pamahalaan.
Maaaring ang nangyari sa pagitan ng security guard at ng sampaguita vendor ang susi para matukoy at malutas — na hindi madali — ang isa sa mabibigat na problema ng lipunan na dulot ng matinding kahirapan.
Ang insidenteng ito ay sumasalamin sa mga tunay at nakababahalang sitwasyon sa Pilipinas na hindi masyadong napagtutuunan ng atensiyon ng mga nanunungkulan sa gobyerno.
Read: Netizens in awe of casual chat between billionaires Jaime Zobel de Ayala and Lance Gokongwei