May kurot sa puso ang mga pahayag nina Krista Miller at Yda Manzano sa naganap na media conference ng Wow Mali nitong Huwebes, Enero 16, 2025.
Sa mga sexy star na may partisipasyon sa sexy-comedy gag show ng VMX, silang dalawa ang nakatatanda.
Read: Janno Gibbs, poste ng VMX sexy gag show na Wow Mani
Ang kanilang mga anak ang sinabi nina Krista at Yda na dahilan kaya patuloy sila sa pagpapaseksi at paglaban sa mga hamon ng buhay.
KRISTA MILLER
Halos dalawang taon nakulong si Krista dahil nasangkot ito sa kaso ng pagbebenta ng ilegal na droga.
Nang makalaya, nagbagong-buhay siya, alang-alang sa kanyang mga anak na binubuhay niya.
Read: Krista Miller on life after imprisonment: "Ginawa ko ang lahat para maging maayos ang buhay ko."

“Thirty-four years lang po ako kasi kapag na-Google ang name ko, lumalabas na 56 years old na ako,” paglilinaw muna ni Krista dahil matandang-matanda na raw ang tingin sa kanya ng ibang mga tao.
Patuloy niya, "Sa mga pinagdaanan ko, ngayon, sobrang tatag na ako.
"And as a mom of two, siyempre lahat ng desisyon natin sa buhay, kailangan pinag-iisipan talaga.
"Lahat ng ginagawa natin sa buhay, idine-dedicate natin sa mga anak."
Read: Krista Miller, ginagawang good karma ang bad karma
YDA MANZANO
May sagot naman si Yda tungkol sa pagpapaseksing ginagawa nito sa Wow Mani, kahit naririnig niya ang masasakit na opinyong matanda na siya.
“Okay ako, surviving, single parent,” sabi ni Yda.
Aminado si Yda na nakatutulong sa kanya ang pagpapaseksi para malimutan ang mga traumatic experience na pinagdaanan niya.
“Actually, it’s a big yes kasi na-boost po yung self-esteem ko," aniya.
"I thought before na talagang wala na. Parang nalaos ako, ganoon. Nalosyang.
"Kasi I heard marami ang nagsasabi na, 'Ah, kasi matanda na yan.'"
Read: '90s sexy star Yda Manzano nagbabalik sa pag-arte; nakipagsabayan sa Vivamax sexy stars

Dagdag pa ni Yda: “Natuwa naman ako because I did livestreaming before at na-amaze ako.
"Kasi ang mga nakita kong followers ko, ang age from 20s to 30s. Wala akong masyadong 40s and 50s.
"I had, like, 60,000 followers at the time sa platform na yon. So, from there, na-boost ang self-esteem ko.
"And, of course, si Boss Vic [del Rosario, Viva Entertainment CEO and pesident] din, sinabi niya sa akin na, ‘Uy, may pag-asa ka pa. Magpapayat ka lang.’
“I strive so hard. Until now naman, it’s not that easy kaya kailangan kong magtrabaho kasi single mom.
"Lahat ng mga social media, pinasok ko na para kumita.
“Ganoon po kahirap, lalo na ngayon yung anak ko medyo ipinapa-therapy ko so I have to work hard.
“And I am so proud to be a part of this gag show and to show to all the moms na kapag meron kang bad experience, it’s not all bad.
"It would make you a better person, stronger and brave, lalo na kung may mga anak ka."