PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sampung Utos Kay Josh scriptwriter, pumanaw bago ilabas ang movie

Sampung Utos Kay Josh director and cast, nagbigay-pugay kay Sherwin Buenvenida.
by Jojo Gabinete
Published Jan 17, 2025
sampung utos kay josh
Director Marius Talampas (left), actors Jerald Napoles (inset, top) and GB Labrador (inset, bottom) pay tribute to Sampung Utos Kay Josh screenwriter Sherwin Buenvenida (right), who passed away last year because of lung cancer.
PHOTO/S: Viva Films / Facebook

Iniaalay ng mga artista at direktor ng Sampung Utos Kay Josh sa comedy writer na si Sherwin Buenvenida ang kanilang pelikulang ipalalabas sa mga sinehan simula sa Enero 29, 2025.

Si Sherwin ang sumulat ng script ng Sampung Utos Kay Josh.

Ito ang isa sa mga huling proyekto niya bago siya binawian ng buhay noong Hunyo 2024 dahil sa kanser sa baga.

Read: Pepe Herrera, Satanas naman ang role pagkatapos gumanap na Lods

sherwin buenvenida
Sherwin Buenvenida
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mediacon ng Sampung Utos Kay Josh, nagkuwento ang direktor nna si Marius Talampas tungkol sa pagtatambal nila ni Sherwin para mabuo ang kanilang proyekto.

“Si Sherwin, naisulat na niya nang buo ang script ng Sampung Utos Kay Josh, so pumasok ako around 2021,” umpisang salaysay ni Marius.

“Then sometime in 2022, na-diagnose siya ng lung cancer pero itinuloy pa rin namin ang pagsusulat.

“Nakatatlong edit pa kami ng draft ng script. And last year, nag-pass away na si Sherwin.

"Sayang lang, hindi niya naabutan ang premiere ng Sampung Utos kay Josh.

“Ni hindi siya nakapunta sa set since may sakit na siya noon.

"Unfortunately, hindi na siya umabot, pero I know for a fact na magiging proud si Sherwin sa movie namin kasi ang tagal naming nag-collaborate for this.

“Actually, years talaga namin binigyan ng oras. Sana mapanood niya sa langit,”

Si Marius ay unang nakilala bilang direktor ng Ang Pangarap Kong Holdap, na napanood sa mga sinehan noong Nobyembre 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
marius talampas
Marius Talampas
Photo/s: @viva_films on Instagram

SAMPUNG UTOS KAY JOSH CAST PAYS TRIBUTE TO SHERWIN

Mga bida sa Sampung Utos Kay Josh sina Jerald Napoles, Pepe Herrera, GB Labrador, at James Caraan.

Gaya ni Marius, nagbigay-pugay sila kay Sherwin na tumutulong noon sa mga aspiring comedian.

Pahayag ni GB, “Eve rsince talaga sobrang supportive ni Sherwin sa mga young and upcoming stand-up comedians. Ang dami niyang projects to help us.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sa mga hindi nakakakilala kay Sherwin, isa siya sa mga veteran comedy show writer ng ABS-CBN, like Goin' Bulilit, Home Sweetie Home, Happy Together.

“Nasa team siya ni Direk Bobot Mortiz. Isa siya sa mga magagaling na comedy writers.

“Talagang ang laki ng ambag niya sa comedy scenes sa Pilipinas.

"Yan ang problema kapag writer ka, hindi mo alam na marami ka nang ambag sa comedy ng Pilipinas.

"At sana kung isusulat ninyo about him, kung gaano kalaki ang tulong niya sa comedy, kasi gusto natin na yung legacy niya, talagang makilala siya ng maraming tao,” sabi ni GB, na isa sa mga saludo sa husay ni Sherwin bilang comedy writer.

gb labrador sampung utos kay josh
GB Labrador
Photo/s: Viva Films
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagluksa ni Jerald ang pagpanaw ni Sherwin at bakas sa mensahe niya ang kanyang panghihinayang.

Ani Jerald: “Hindi mo na mapapanood ang airing ng project na pinagsamahan natin, hindi mo na rin mapapanood ang pelikulang sinulat mo at ginampanan ko.

"Huwag kang mag-alala at ibinigay namin ang higit pa dahil naniniwala kame sa yo at sa materyal mo.

“Maraming tumitingala sa yo at isa na ko. Sana maging proud ka sa pelikula natin bro... hanggang sa muli Padayon.”

jerald napoles sampung utos kay josh
Jerald Napoles
Photo/s: @viva_films on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SHERWIN'S POST ABOUT SAMPUNG UTOS KAY JOSH

Ilang linggo bago namayapa si Sherwin, inilahad nito ang kagalakan dahil nagkaroon ng katuparan ang pangarap niyang maging isang ganap na pelikula ang Sampung Utos Kay Josh.

Sinabi ni Sherwin sa kanyang Facebook post: “Three years ago nun sinulat ko tong movie na to. Akala ko nga di na matutuloy.

“Kaya pag may gusto kayong mangyari na hindi agad ibinibigay, wag mainip.

“Great things take time!

"Congrats sa buong team ng Sampung Utos kay Josh!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Marius Talampas (left), actors Jerald Napoles (inset, top) and GB Labrador (inset, bottom) pay tribute to Sampung Utos Kay Josh screenwriter Sherwin Buenvenida (right), who passed away last year because of lung cancer.
PHOTO/S: Viva Films / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results