Star-studded ang Sinulog Festival 2025 ng Cebu City dahil sa pagbisita ng mga artista ng GMA-7, ABS-CBN, at TV5.
Noong Biyernes, Enero 17, 2025, ang finale episode ng primetime drama series ng Kapuso Network na Widows’ War, at kasabay nito ang pagtatanghal nina Bea Alonzo, Jean Garcia, Timmy Cruz, at Royce Cabrera sa The Terraces, Ayala Center, Cebu.
Read: Bea Alonzo: A leading lady in her lush oasis
MGA BATANG QUIAPO AT MGA BATANG RILES SA SINULOG 2025
Kinabukasan, Enero 18, ang cast ng Mga Batang Riles sa pangunguna nina Miguel Tanfelix, Antonio Vinzon, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, at Bruce Roeland ang nakihalubilo at nagpasaya sa mga Cebuano fans sa Ayala Malls Central Bloc.
Mga Batang Riles stars Antonio Vinzon, Bruce Roeland, Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, at Bruce Roeland at Sinulog 2025
Idinaos naman sa Ayala Center ang show ng Batang Quiapo stars na pinangunahan ni Coco Martin, kasama ang mga co-stars niyang sina Senator Lito Lapid at Kim Domingo.
Read: Coco Martin and his 2,000-sqm forever home
WILLIE REVILLAME, NAKISAYA RIN
Naka-check in sa Marriott Hotel Plaza sa Cebu ang mga artista ng Mga Batang Riles at si Willie Revillame, ang host ng Wil To Win ng TV5.
Ang telecommunications company na sister company ng TV5 ang major sponsor ng Wil To Win show ni Willie sa Plaza Independencia, Cebu City.

Magkakasabay ang gabi ng pagtatanghal nina Willie, Coco, at cast ng Mga Batang Riles kaya tuwang-tuwa ang mga Cebuano dahil nakita nila nang personal ang kanilang hinahangaang showbiz personalities.
Nakisaya rin sa Sinulog Festival ang ABS-CBN stars na sina Donny Pangilinan, Belle Mariano, at Sam Milby.
Ngayong hapon, Enero 19, ang mga artista ng Lolong: Bayani ng Bayan at Binibining Marikit ang maghahatid ng saya sa mga Cebuano.
Sina Ruru Madrid at Shaira Diaz ang mga kinatawan ng Lolong: Bayani ng Bayan sa Sinulog Festival samantalang sina Tony Labrusca at Thea Tolentino ng Binibining Marikit ang dumalo sa kapistahan ng Señor Santo Niño de Cebú.


Mapapanood sa GMA 7 simula bukas, Enero 20, ang Lolong: Bayani ng Bayan at nakatakda naman sa Pebrero 10 ang pilot telecast ng Binibining Marikit na pinagbibidahan ni Herlene Budol.