PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, nagpasiklab sa drums sa Ati-Atihan Festival

Willie Revillame, hinarana ng mga tao sa Kalibo, Aklan.
by Jojo Gabinete
Published Jan 20, 2025
willie revillame drums ati-atihan festival
Wil To Win host Willie Revillame joins a local band to play the drums at the Ati-Atihan Festival in Kalibo, Aklan. Willie was once a professional drummer.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Nagulat, natuwa, at nagkagulo ang mga taong dumalo at nakisaya sa Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan, noong Linggo, Enero 19, 2025, dahil sa hindi nila inaasahang pagdating ng Wil To Win host na si Willie Revillame.

Lalong nagalak ang mga tao nang sumali si Willie sa grupo ng drummers na nagtatanghal sa kalye at nagpamalas ng husay niya sa pagpalo ng drums.

Dating drummer ng banda ang TV host.

Read: SPOTTED: Willie, Coco, Bea, Ruru at Sinulog 2025

Malakas na palakpakan at hiyawan ang narinig mula sa mga tao na tuwang-tuwa sa nasaksihan nilang free show ni Willie.

Nakisali rin sa kasiyahan ang Wil To Win co-hosts na sina Almira Teng, Camille Canlas, at Fatima Bisan. Nagpasalamat sila dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mamamayan ng Kalibo.

willie revillame wil to win co-hosts
Willie Revillame (seated) with Wil To Win co-hosts (standing, from left) Almira Teng, Camille Canlas and Fatima Bisan.
Photo/s: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga matatandang babae at maliliit na bata na nag-unahang makalapit at makayakap kay Willie.

Marami sa matatandang babae ang umiiyak dahil hindi sila makapaniwalang makikita nila nang personal ang Wil To Win host na napapanood lamang nila sa telebisyon.

Madamdamin ang tagpo nang lumabas si Willie mula sa isang restaurant na pinuntahan nito. Hinarana siya ng mga taong matiyagang naghintay sa kanyang paglabas.

Sabay-sabay na kinanta ng mga nag-abang kay Willie ang kanyang iconic hit song na "Ikaw Na Nga" kaya lumapit siya sa mga tao at nagpasalamat.

Read: Rufa Mae Quinto receives PHP1M cash from Willie Revillame

wil to win ati-atihan festival
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WIL TO WIN INVADES SINULOG FESTIVAL

Nagpunta si Willie sa Kalibo, Aklan, para sa Ati-Atihan Festival at libreng pagtatanghal ng Wil To Win.

Nauna nang nagtanghal si Willie at ang buong grupo ng Wil To Win sa Sinulog Festival ng Cebu City noong Sabado, Enero 18, 2025.

Tulad ng free show ng Wil To Win sa Ati-Atihan Festival, dinagsa ng manonood ang pagtatanghal ni Willie sa Plaza Independencia, Cebu.

Ilang oras bago ang Wil To Win event sa nabanggit na lugar, ipinamalas din ni Willie ang husay nito sa drums sa lobby ng Marco Polo Hotel.

Nakitugtog si Willie sa palabas ng mga musikero sa lobby kaya aliw na aliw ang mga hotel guest dahil sa free show na nasaksihan.

Read: Willie Revillame, first time solong nagpalipad ng helicopter

Notice: This article and video fall under promotional material for a politician's candidacy.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wil To Win host Willie Revillame joins a local band to play the drums at the Ati-Atihan Festival in Kalibo, Aklan. Willie was once a professional drummer.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results