PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sing Galing! at Marimar, magbabalik sa TV5

Marimar, ipinalit sa timeslot na binakante ng Quizmosa.
by Jojo Gabinete
Published Jan 22, 2025
sing galing marimar
The videoke game show Sing Galing and the original Mexicanovela Marimar starring Thalia are both coming back on TV5.
PHOTO/S: TV5

Makalipas ang dalawang taon, ibabalik ng TV5 ang videoke game show na Sing Galing!, na huling napanood noong Disyembre 22, 2022.

Nakatakdang muling mapanood ang isa sa mga top-rating program ng Kapatid Network sa Marso 2025.

Magbabalik bilang mga host ng Sing Galing! sina Randy Santiago, Rey Valera, Ethel Booba, K Brosas, at Allan K.

Tatlong bagong hurado namang may sapat na kaalaman sa musika ang ipakikilala.

Read: Patrick Quiroz wins first Sing Galing! Sing-lebrity Edition

Poster of TV5's Sing Galing
Photo/s: Sing Galing (TV5 / CS Studios)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE RETURN OF ORIGINAL MARIMAR

Ang pagbabalik ng Sing Galing! ang isa sa maraming pagbabagong mangyayari sa TV5.

May mga programang mawawala at papalitan ng mga bagong palabas.

Nauna nang nagpaalam ang showbiz-oriented game show na Quizmosa. Nag-umpisa ito noong Oktubre 21, 2024 at natapos noong Enero 17, 2025.

Ang Mexicanovela na Marimar ang inilagay ng TV5 management sa nabakanteng timeslot ng Quizmosa.

Nagsimulang umere ang Marimar sa TV5 noong Enero 20.

Ang Marimar ang Mexican television series na sumikat sa Pilipinas noong 1994.

Read: RATINGS THROWBACK: Record-breaking Thalia telenovelas on Philippine TV

marimar
Thalia as Marimar
Photo/s: MariMar (Televisa)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, nakilala at nagkaroon ng maraming mga tagahangang Pilipino ang Mexican singer-actress na si Thalia.

Lalong napamahal si Thalia sa mga Pilipino dahil sa mga cover version niya ng OPM songs na "Nandito Ako," "Tell Me," at "Hey It’s Me."

Dahil sa popularidad ng Marimar, dalawang beses itong nagkaroon ng Philippine adaptation—ang Marimar noong 2007 na nagpasikat at nagpabago sa buhay ni Marian Rivera, at ang Marimar noong 2015 na pinagbidahan ni Miss World 2013 Megan Young.

Read: 15 actresses who auditioned for MariMar 2007 adaptation: THEN and NOW

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The videoke game show Sing Galing and the original Mexicanovela Marimar starring Thalia are both coming back on TV5.
PHOTO/S: TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results