Inspiradong-inspiradong magtrabaho ang aktres dahil matindi ang pagkahumaling niya sa aktor na kapareha niya sa isang proyekto.
Hindi inililihim ng aktres ang nararamdaman dahil siya pa ang nagkukuwento tungkol sa mga kapilyahang ginagawa niya para mapansin ng kanyang leading man.
Read: BLIND ITEM: Asawa ng aktres, unti-unting nabubuking
Ipinagmalaki ng aktres sa mga kaibigan nitong sinadya niyang ilabas ang kanyang dila nang kunan ang kanilang kissing scene.
Tawang-tawa ang aktres sa reaksiyon ng kanyang leading man, na gulat na gulat at hindi makapaniwala sa kapangahasang ipinakita niya.
Kung ipagpapatuloy ng aktres ang pagiging agresibo, hindi malabo ang posibilidad na matupad ang kanyang ilusyong makarelasyon ang kinababaliwang aktor.
LOVE TRIANGLE?
Pero lingid sa kaalaman ng aktres, may karibal siya dahil pinagpapantasyahan din ng isa sa mga kasama nila sa proyekto ang kanyang kinababaliwang kapareha.
Lihim na lihim ang pagtatangi sa aktor ng co-star nila ng aktres dahil sa reputasyong pinakaiingatan.
Kahit kailan, hindi puwedeng aminin ng co-star na gusto rin niya ang aktor dahil kapag nangyari ito, tiyak na katapusan na ng kanyang showbiz career.
Read: Blind item: Kontrata ng aktor, gustong bilhin ng movie producer