“Hindi ko siya kilala!”
Ito ang mariing pahayag ng dating bold star na si Coca Nicolas tungkol kay Darryl Yap, ang direktor ng kontrobersiyal na pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma.
Nag-ugat ang reaksiyon ni Coca mula sa isang social media post ni Darryl na “TIGILAN NYO YANG KAKACOCA NICOLAS NYO. HINDI SILA CLOSE NI PEPSI."
Read: Former bold star Coca Nicolas nagsalita tungkol sa nalalaman niya sa Pepsi Paloma controversy

Kabilang sina Coca, Pepsi, Sarsi Emmanuelle, at Myrna Manibog — na Mirinda Manibog ang orihinal na screen name — sa Softdrink Beauties talents ng pumanaw na talent manager na si Dr. Rey dela Cruz.

Sa panayam sa kanila ni Julius Babao para sa Unplugged YouTube channel nito na in-upload noong Huwebes, Enero 23, 2025, kinontra ni Coca ang paniniwala ni Darryl na hindi sila malapit sa isa’t isa ni Pepsi.
“Super close kami,” sabi ni Coca.
Mensahe pa niya sa kontrobersiyal na direktor: “Sino ba yung Darryl? Hindi ko siya kilala!
"Pakisabi lang kay Darryl, hindi ko pa siya kilala. Hindi nga niya ako kilala, di ba?
“Sorry kamo sa kanya talaga. Kahit ganito lang ang beauty ko, hindi ko siya kilala.”
Hindi nagbabago ang kuwento ni Coca na magkaibigan sila ni Pepsi at magkasamang nanirahan noon sa iisang bahay.
Bukod kay Coca, pinatutsadahan din ni Darryl si Sarsi sa social media post.
Ito ay bilang sagot ng direktor sa komento ni Sarsi nang lumabas ang kontrobersiyal na teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma.
Post ni Sarsi (published as is): "At sino ang nag relay ng story sa director?
"Dba patay na yung tao? Siya lang ang may alam ng totoo.
"Saan nila kinuha yung story."

Buwelta ni Darryl: "Napakaconvenient kasi dito kay Sarsi Emmanuelle na patay na ang pinag-uusapan.
"Kegimik yun o totoo? May nagawa ka ba?
"Bakit? Close ba kayo ni Pepsi?
"Nung namatay siya saka kayo sumikat!
"WAG MO KO PALALABASING SINUNGALING.
"Hintayin mo ang pelikula."
Walang sagot dito si Sarsi.
Pumanaw si Pepsi sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili noong May 31, 1985.
Hindi pa buhay noon si Darryl.
Read: Darryl Yap nag-ingay agad with The Rapists of Pepsi Paloma teaser
COCA, MYRA, AND SARSI: PEPSI NOT ON GOOD TERMS WITH HER OWN MOTHER
Pinatotohanan din ni Coca na hindi magkasundo si Pepsi at ang ina nitong si Lydia Dueñas.
Si Lydia at ang kapatid ni Pepsi na si Zaldy ang ilan sa mga resource person ni Darryl para sa kuwento ng pelikula niyang The Rapists of Pepsi Paloma.
Si Shamaine Buencamino ang gumaganap na Lydia sa pelikula, at si Rhed Bustamante naman ang Pepsi.
Read: Darryl Yap movies: Sparking conversations, stirring up controversies

Sinabi ni Coca na nasaksihan niya ang pagtatalo ng mag-ina nang isama siya ni Pepsi sa bahay nito sa Olongapo bago mag-Pasko para magdala ng lechon, pero hindi raw ito tinanggap ng nanay ng sumakabilang-buhay na aktres.
Kinumpirma ni Myra ang testimonya ni Coca.
Lahad ni Myra, “Never kong nakita yung nanay ni Pepsi sa shooting.
"Kasi kami, yung mga mama namin, visible, e. Pero yung nanay niya, hindi namin nakita sa shooting ever.
“Never naging visible yung presence ng nanay niya during the shooting, during the promotion of the movie.
"Wala, hindi mo talaga mararamdaman."
Read: Sexy star Pepsi Paloma still trending 38 years after her death
Pinaboran ni Sarsi ang binitiwang salita ni Myra.
Ayon sa kanya, "Yung sabihin mo na alam nung ina, mas marami pa kaming alam.”
Magkakasama sina Coca, Sarsi, at Myrna sa eksklusibong panayam ni Julius.

Tila sagot ito para kontrahin ang mga pahayag ni Darryl tungkol sa isinalin sa pelikulang kuwento ng buhay ni Pepsi na lumikha ng malaking isyu at kontrobersiya dahil sa mga kasong cyberlibel na isinampa ni Vic Sotto laban sa direktor.
Sa naturang interbyu, nagkaisa sina Sarsi, Myra at Coca sa kanilang deklarasyong walang katotohanan ang hindi mamatay-matay na isyu na, diumano, pinagsamantalahan ni Vic si Pepsi noong Hunyo 1982.
Related Stories:
- Vic Sotto files 19 counts of cyber libel against Darryl Yap
- Darryl Yap reacts to cyber libel complaint filed by Vic Sotto
- Vic Sotto not holding grudges against stars of Pepsi Paloma movie
- Tito Sotto refutes Darryl Yap's claim about Pepsi Paloma script
- Muntinlupa court issues gag order in Vic Sotto vs Darryl Yap case
- Vic Sotto and Darryl Yap face-off in Muntinlupa RTC
- Gil Guerrero, pinuna ang pagsasapelikula ng buhay ni Pepsi Paloma
- Old interview ni Guada Guarin, lumitaw dahil sa Pepsi controversy