PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Asawa ng showbiz personality, nagbebenta ng gamit after breakup

Kinabukasan at kabuhayan niya ang nakataya sa nakaambang na problema.
by Jojo Gabinete
Published Jan 25, 2025
blind item yayamaning aktor gandarang aktres breakup
Asawa ng showbiz personality, may money issue at nakaambang na malaking problema matapos ang hiwalayan nila.
PHOTO/S: Freepik

Nagbebenta na ng mga personal na gamit ang estranged spouse ng isang showbiz personality dahil nangangailangan na siya ng pera at isa ito sa mga epekto ng paghihiwalay nila.

Unti-unti nang ipinagbibili ng asawa ng showbiz personality ang mga gamit, na hindi madali para sa kanya na pakawalan dahil bukod sa kailangan ng mga panggastos sa araw-araw, pinaghahandaan niya ang isang malaking problemang nakaamba na resulta pa rin ng pagwawakas ng kanilang relasyon.

MONEY ISSUE?

Lihim na lihim ang pagbebenta ng asawa ng showbiz personality ng kanyang mga personal na gamit, pero nalalaman ito ng mga tao dahil tulad ng dating kinakasama niya, kilala rin siya.

Ayon sa mga nakakahalubilo ng asawa ng showbiz personality, bakas sa anyo niya na may mabigat na suliranin na dinadala at may mga pagkakataong nakikita siya na tulala, mula nang maghiwalay sila.

Hindi na rin niya sinasagot ang mga nagtatanong tungkol sa kanyang dating asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MORE PROBLEMS?

Walang sikreto na puwedeng itago, lalo na kung mga kilalang personalidad mula sa showbiz industry ang sangkot.

Kaya inaasahan na mabubulgar sa mga susunod na araw ang malaking problema ng estranged spouse ng showbiz personality dahil ang kinabukasan at kabuhayan niya ang nakataya.

MORE BLIND ITEMS:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asawa ng showbiz personality, may money issue at nakaambang na malaking problema matapos ang hiwalayan nila.
PHOTO/S: Freepik
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results