Nananatiling No. 1 TV show sa Netflix Philippines ang Incognito, ang action-drama series ng ABS-CBN na pinangungunahan nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Anthony Jennings, Kaila Estrada, at Daniel Padilla.
Sa panayam kay Richard ng Cabinet Files, sinabi niya na ang makagawa ng isang original series na maipalalabas sa Netflix ang pangunahing layunin ng mga bumubuo sa Incognito.
Nagkaroon ito ng katuparan sa kanilang matagumpay na action-drama series.
Read: Incognito: kumusta ang premiere sa Netflix?
"From the very beginning, yun ang gusto namin na gawin na goal. Parang after Ironheart, that’s the way to go,” pahayag ni Richard.
"Gusto namin i-elevate yung quality, gusto namin i-elevate yung stature ng Philippine action, kailangan i-Netflix natin yan. Kailangan ipantay natin yan sa ibang Asian countries.
"So, that’s what we’re trying to do. We’re trying to elevate Philippine action and put it in on Netflix,” sabi ni Richard.
Kay Richard daw nanggaling ang konsepto ng Incognito.
"Yung concept, pinag-usapan namin ni Direk Lester [Pimentel Ong ] during Ironheart," salaysay pa niya.
"Sinabi ko sa kanya, I wanna do something like this, kasi nga na-obsess ako sa mga kuwento ng mga private military contractor before.
"Yung Blackwater, isa sa mga pinakasikat at kontrobersyal na private military contractor nung Iraq at Afghanistan war, they trained in the Philippines, sa Clark.
"May mga nakilala ako kasi medyo incognito sila sa Pilipinas, so they trained here bago pumunta sa ibang bansa.
"So, na-obsess ako sa life nila. Dun nag-start ang interest ko.
"I started reading books about it, and then nag-training ako ng tactical training. Nag-train ako with some US forces, Australian na special forces din, and then, local.
"It’s interesting na galing sila from different military background tapos ginagawa silang team, nag-training pa sa Pilipinas.
"So, ikinuwento ko yon kay Direk, and then after Ironheart, binuo nila yung Incognito.”
Read: Richard Gutierrez shrugs off "cheaters" label on Incognito cast

DREAM OF BECOMING A SOLDIER
Maging sundalo ang pangarap ni Richard noong bata pa ito dahil naging inspirasyon niya ang isang Pilipino na kanyang nakilala noong naninirahan at nag-aaral pa siya sa Amerika.
Pero iba ang nakatadhana para kay Richard.
Imbes na makapasok sa military, naging showbiz personality siya sa Pilipinas at malaki ang kinalaman ng kanyang nanay na si Annabelle Rama.
"Dati nga ginusto kong maging sundalo," saad ni Richard sa Cabinet Files.
"Nung nasa States ako, nagma-martial arts na ako noon. May nakilala akong Pinoy na navy na asensado sa buhay.
"Ang ganda ng buhay niya sa Amerika, meron siyang pension, so I got curious nung bata ako.
"Parang ang ganda ng buhay ng Pilipinong sundalo. Sabi ko, 'puwede pala,' so nagkaroon ako ng interes.
"Nag-research ako kung paano pumapasok sa military.
"Ayaw ng nanay ko, dinala niya ako sa Pilipinas. Dito ako pinag-aral," lahad ni Richard.
Pero hindi man natupad ang pangarap na pumasok sa U.S. military, nagagawa naman niyang bigyang-buhay sa mga pelikula at TV series ang karakter ng isang sundalo.
Read: Richard Gutierrez naranasang mag-incognito sa pampublikong lugar