PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, ipinagdiwang ang 64th birthday sa Iloilo

Willie Revillame, inakusahan ng maagang pangangampanya.
by Jojo Gabinete
Published Jan 27, 2025
willie revillame birthday
Willie Revillame on his wish for 64th birthday: “Wala akong maisip. Wala akong preparasyon.”
PHOTO/S: Wil To Win YouTube

Ngayong Lunes, Enero 27, 2025, ang ika-64 kaarawan ni Wil To Win host Willie Revillame.

Sa tanong ng Cabinet Files tungkol sa birthday wish niya, “Wala akong maisip. Wala akong preparasyon,” sagot ni Willie.

Pero isang bagay ang sigurado, kasama sa playlist ni Willie ang "When I’m Sixty Four," ang kantang pinasikat ng Beatles noong 1967.

Walang panahon si Willie na paghandaan ang kanyang 64th birthday dahil sa magkakasunod na pagtatanghal ng Wil To Win sa Sinulog Festival ng Cebu City noong Enero 18, at Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan, noong Enero 19.

Read: SPOTTED: Willie, Coco, Bea, Ruru at Sinulog 2025

Read: Willie Revillame, nagpasiklab sa drums sa Ati-Atihan Festival

Nang sumunod na Linggo, Enero 26, lumipad si Willie sa Iloilo City para sa show ng Wil To Win sa La Paz Park, La Paz, Iloilo City.

Kasama ni Willie ang kanyang mga co-host na sina Almira Teng, Fatima Bisan, Camille Canlas, at ang sampung miyembro ng Go Girls Dancers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang telecommunications company na sister company ng TV5 ang major sponsor ng pagtatanghal ng Wil To Win sa Cebu, Aklan, at Iloilo.

Taliwas ito sa inilabas na balita ng isang online site na nag-umpisa na ang pangangampanya ni Willie, na kumakandidatong senador sa halalan sa Mayo 12, 2025.

Read: Willie Revillame, tuloy pa rin sa pag-host ng Wil To Win?

WILLIE REVILLAME'S BLIND FAN

Tulad ng mga pagtatanghal niya sa Cebu at Aklan, dinumog ng mga kababayan natin ang show ni Willie sa Iloilo.

Madamdamin ang eksena nila ng isang matandang babae na wala nang paningin, pero nakipagsiksikan sa mga tao para malapitan at mahipo ang kanyang hinahangaang TV host.

Kasama ng matandang babae ang apo niyang umaalalay sa kanya.

willie revillame blind fan
Willie Revillame meets an old blind woman and her granddaughter during his Wil To Win show in Kalibo, Aklan.
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinagkalooban ni Willie ng cellphone at pera ang bata para sa online classes nito.

Maliban dito, pinapasok din daw ni Willie ang mag-lola sa kanyang standby area, pinakain, at ipinahatid sa pag-uwi para ligtas makarating sa tahanan.

Sinabi ng matanda na natatandaan niya ang hitsura ni Willie dahil regular daw ang kanyang panonood sa mga programa ng TV host noong hindi pa siya nawawalan ng paningin.

Read: Willie Revillame, first time solong nagpalipad ng helicopter

FAILED BIRTHDAY ASALTO

Naging makabuluhan ang ika-64 kaarawan ni Willie dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga residente ng Iloilo.

Nasorpresa rin si Willie nang dumating sa hotel na tinutuluyan dahil binigyan siya ng cake at kinantahan ng "Happy Birthday" ng mga empleyado.

Video: Jojo Gabinete (video) / Rommel Llanes (edit).

Ang hindi nagtagumpay ay ang birthday asalto ng production staff ng Wil To Win kay Willie.

Bago pa ito naganap, nahulaan na ng TV host ang mga eksaktong detalye ng sorpresang inihanda para sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
willie revillame birthday
Photo/s: Facebook

Itinuturing ni Willie na kakaiba ang kanyang ika-64 kaarawan dahil nagdiwang siya sa Iloilo at sa isang local festival sa kauna-unahang pagkakataon.

Video: Jojo Gabinete (video) / Rommel Llanes (edit).

Ito rin ang huling kaarawan ni Willie bilang host ng Wil To Win bago ang pansamantalang pamamaalam niya sa programa sa Pebrero 10 dahil sa kanyang senatorial bid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rufa Mae Quinto receives PHP1M cash from Willie Revillame

Notice: This article falls under promotional material for a politician's candidacy.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame on his wish for 64th birthday: “Wala akong maisip. Wala akong preparasyon.”
PHOTO/S: Wil To Win YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results