Lumilitaw na nagbabait-baitan lamang ang showbiz personality na bagong salta sa isang TV network dahil sa insidenteng nangyari kamakailan lamang.
Naging bisita ang showbiz personality sa isang TV program.
Nang lapitan siya ng miyembro ng production staff para kausapin tungkol sa mga ipagagawa sa kanya, iritable at mataray na sinabi ng showbiz personality na magbibihis muna siya.
Read: Aktres, karibal ang co-star sa pinagpapantasyahang leading man
Nakaramdam ng panliliit ang production staff sa trato sa kanya ng showbiz personality. Sa tagal niya sa industriya, noon lamang daw siya nakaranas mapahiya.
Saglit lamang ang kawalan ng modo na ipinamalas ng showbiz personality dahil biglang bumait ang pakikitungo niya sa production staff nang magsuot ito ng headset.
Napagtanto ng showbiz personality na may posisyon sa programa, at hindi production assistant, ang taong pinakitaan niya ng kagaspangan ng ugali.
Read: Asawa ng showbiz personality, nagbebenta ng gamit after breakup
SHOWBIZ PERSONALITY'S MOOD SWING
Nang makausap ng Cabinet Files ang tauhan ng produksiyon, detalyado nitong inulit ang kahihiyang naramdaman tungkol sa ginawa sa kanya ng showbiz personality.
Kinumpirma niyang biglang naging mabait at magalang ang pakikipag-usap sa kanya ng showbiz personality nang gamitin niya ang headset.
Pero kahit pilit bumabawi ang showbiz personality sa iritasyong ipinakita, hindi nagbago ang ang unang impresyon sa kanya ng production staff na tinarayan niya.
Naniniwala ang production staff na totoo ang mga negatibong balita tungkol sa showbiz personality na may mapanira at mahilig mang-intrigang imahe.
Minsan nang siniraan ng showbiz personality ang kapwa-artista na nagkaroon ng depresyon at pansamantalang tinalikuran ang showbiz career nang dahil sa mga pang-iintriga niya.