Muling nakararanas ng online bashing si Carlos Yulo at ang kasintahan nitong si Chloe San Jose dahil sa ten-second video na inilabas ng GMA News kagabi, Enero 27, 2025.
Kuha ang video sa gabi ng parangal ng Philippines Sportswriters Association (PSA) na ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel sa Maynila nitong Lunes ng gabi.
Read: Moving speeches at Esquire's Man At His Best 2024 party
Parehong dumalo sa awards night ang two-time Paris Olympics gold medalist at ang kanyang nakababatang kapatid na si Karl Eldrew Yulo.
Si Carlos ay pinarangalan bilang Athlete of the Year na bunga ng tagumpay niya sa Paris Olympics, kung saan nagwagi siya sa men's floor exercise at vault events sa gymnastics.
Tumanggap naman si Eldrew ng Special Citation dahil sa mga gintong medalya na napanalunan niya sa isang gymnastics competition sa Hong Kong noong Disyembre 2024.
Sa video na ibinahagi ng GMA News, nasa kalagitnaan ng pagpapainterbyu si Eldrew nang dumaan si Carlos, na yumakap sa nakababatang kapatid.
Huminto si Eldrew sa pagsasalita at sinabi sa kuya niya, “Sasabay ako, e. Sabay ako.”
Maririnig na tinanong ni Carlos ang kasintahang si Chloe, na nasa likuran, ng "Isasama ba natin ito?" habang itinuturo si Eldrew.
Sagot naman si Chloe, “Sige, ihatid natin.”
Read: Carlos Yulo, nagbigay ng mensahe sa kanyang pamilya
NEGATIVE REACTION FROM NETIZENS
Dahil sa reaksiyon ni Carlos, umani ito ng mga batikos at mga negatibong komento mula sa netizens na hinusgahan kaagad sina Carlos at Chloe dahil lamang sa sampung segundong video na kanilang napanood.
Kabilang sa mga mapanghusgang komento ng netizens ang mga sumusunod:
"Hala, tatanungin pa ang partner kong isasama ang kapatid… sinong pera ba yong pinangbili nga sasakyan nila? Hala?! Bat ganun?"
“Bakit ka ganyan sa kapatid mo Carlos?”
“Walang sariling desisyon para sa kadugo.”
“Kailangan may approval ni Goldie bago isama ang kapatid."
"Checking in on his brother or checking in on his girlfriend kung pwede isabay ang brother?"
Read: Carlos Yulo speaks up about family rift: "Nakarma na ako..."
CARLOS IS PROUD OF ELDREW'S IMPROVEMENT
Matagal nang mapayapa ang buhay ni Carlos matapos makatikim ng mga masasakit na salita mula sa netizens dahil sa hidwaan nila ng kanyang mga magulang na pinagpistahan ng publiko noong 2024.
Pero nasa sentro uli ngayon ng kontrobersiya dahil sa lumabas na ten-second video.
Tuluyan nang binalewala ng netizens na hindi nawawalan ng opinyon ang naunang video ng magkasabay na panayam sa magkapatid, sa parehong event, na nagpapakitang maayos na ang kanilang relasyon, sa kabila ng mga personal na isyu sa pamilya nila.
Sa naturang interbyu, ipinagmalaki ni Carlos ang malaking improvement ni Eldrew bilang gymnast at natutuwa siya dahil magkasama sila sa kanilang nalalapit na pag-eensayo.
Pahayag ni Carlos tungkol kay Eldrew, “Based po sa mga nakita ko po sa trainings niya, malaki po ang mga naging improvements niya po sa training.
"Magaling na rin po siya sa favorite events niya, super proud po and nakakatuwa na makasama po ulit sila, yung teammates, sa training.”
Iginiit ni Carlos na masaya siya sa mga ginagawa ng kanyang nakababatang kapatid.
Read: Carlos Yulo's father takes a swipe at Olympic gold medalist